6: Lovestruck

84 6 0
                                    

6: Lovestruck

Napa-tingin ako sa wristwatch ko and 7:08 na pala. So yung banda nila Reniel e di palang nagtatagal na nagsimula sa pag-tugtog. Maraming tao ang nasa front na kaya ang inukupahan ko nalang ay iyong naka-talikod sa platform kung saan magpeperform ang band. Ayoko lang maka-kita ng mga nag-wawalang tao dahil sa pagpa-party.

"Bakit diyan ka umupo? Dito ka dapat." Sabi sa akin ni Rescel, tinutukoy ang naka-harap sa stage.

"Let us all welcome... The Summer Wind!" Pakilala sa susunod na banda para tumugtog.

"Ayoko. I don't want to see party animals go wild." Saad ko at umirap habang pumapalakpak. Well, I'm not a party goer ng mga katulad nito.

Nag-order nalang kami ng pagkain and they insisted that they'll drink beer, a chick beer. Yung akin lang naman e fruit juice. Di ako lasenggera.

Di nagtagal, niserve na naman ang order namin. Okay na ako sa bacon-wrapped hotdog, busog na ako nito.

"That voice is familiar." Bigla kong utas ng kumakain na ako ng shacked cheese, malapit ng matapos sa kinakanta iyong vocalist.

"Why don't you try to look at the performers." Ngisi ni Hazel na tinaas ang kanyang kilay.

"I'd rather listen than to see wild people."

Silang apat, Hazel, Rescel, Carissa and Melodie, nagkatinginan na para bang may mga mensaheng pinaparating sa bawat titig at saka nagkibit-balikat. Problema kaya nila? Bakit di man lang ako sinasali.

"You
You
Excuse me miss" Naghiyawan ang mga tao sa intro palang, lalo na ang mga girls.

"That voice sounds like Reniel's." Komento ko.

"Is there something wrong kung titignan mo man lang kung sino yung nasa stage?" Tanong ni Rescel.

Parang kilala ata nila 'to, e. May hint na ako na parang sinadya talaga nila 'to. Pero hindi ako maka-paniwala sa naiisip ko. Imposible naman ata yun.

"I'd sing your name over the airwaves
Scratch your couch and sleep on the stairway
If not tonight, maybe tomorrow
Cause I'm hung up, I'm shook up
I'm lovestruck"

Napanganga ako ng lumingon na talaga ako. Dim lights, yes, pero klarong-klaro ang mukha niya mula rito kahit medyo malayo na siya.

"If not tonight, maybe tomorrow
Cause I'm hung up, I'm shook up
I'm lovestruck"

Napalingon siya sa direksyon namin. Nang nag-tagpo ang mga titig namin, kumindat siya. Alam kong sa akin siya kumindat.

"Omo! Did you see that??! He winked at me!!" Tili ng isang babae na nasa harapan lang namin, halos mamatay sa kilig.

"Heh! Sa akin kaya kumindat!"

"Ang gwapo talaga niya. Ganda pa ng boses, nakaka-humaling." Pagpapantasya naman ng kasama nila.

Sige, mag-away kayo pero ako talaga ang kinindatan niya! Wait, what? Nakikisali na rin ba ako sa away ng magkakaibigan na 'to? Bakit naman? Kindat lang yun. Oo, kindat lang yun ni Reniel. And so? Tss. Gosh! Ano bang nangyayari sa akin?

"Aherm!" I heard someone clears throat intentionally.

"So ngayon, di na matanggal-tanggal ang mga titig mo sa kanya?" Panunuyang tanong ni Melodie.

Napayuko tuloy ako sa sinabi niya at pinag-laruan ang straw sa baso ko. Shet naman kasi. Ito ba ang Bar 21? 7:23 na at sila pa rin ang kumakanta? Kanina pa kasi sila nung 7, ah.

"Naka-plano ba 'to?" I asked, furrowing my brows at them.

Tinuro ni Carissa si Rescel. At si Rescel naman ay naka-smile lang, a Cheshire cat smile.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon