47: Superstar

37 7 0
                                    


47: Superstar

"I don't know what's with Kean. I guess he's crazy that he jumped off with you," wika ni Hazel.

Nasa Sacchrin Tea House kami at kagabi lang iyong birthday pool party ni Jigs.

Nung makapag-bihis ako ay nakita ko kaagad si Kean sa tapat lang ng pinto ng CR kaya medyo nagulat ako. Nakapag-bihis na rin siya nun. I could even see the guilt on his face kaya sinabi ko sa kanya na ayos lang iyon at nag-enjoy naman ako. At kahit papaano ay medyo nawala yung guilt sa mukha niya but I know, deep inside, sising sisi siya. Hinatid naman kaagad niya ako matapos iyon.

"But what got me the most was on how Reniel deal with the incident. He was like the protective Reniel over Katriel. Parang may something sa kanyang sinabi.." ani Rescel.

"I know, right. He has still something for Katriel. Nakita niyo ba kung paano languyin ni Reniel ng sobrang bilis yung ilang metrong layo niya kay Katriel?" si Melodie.

"And he immediately gave his clothes to Katriel para makapag-bihis."

Biglang pumasok sa isip ko yung scene na iyon. Nalito pa ako nung una ngunit ng makapag-bihis ako ay kinilig ako. Suot-suot ko yung damit ni Reniel na may pangalan niya! Shit! Tuwang-tuwa ako nun at kinunan ko pa ang sarili ko ng larawan habang pinapakita yung pangalan ni Reniel. Sobrang laki nga lang nun sa akin at pa-gitna na ng hita ko yung shirt niya kaya kahit di na ako mag-shorts ay ayos lang ngunit nag-short pa rin ako. Hindi na ako nagpalit ng short dahil wala nga akong dala tapos kapag sinuot ko yung kay Reniel ay sobrang laki nga. Hindi kakasya sa akin tapos panglalaki. Hanggang sa pag-tulog ko nga, yung damit parin ni Reniel ang suot ko.

"By the way, on Kean's actions, wala ba kayong komento?" singit ni Carissa.

"What do you mean?" si Hazel.

"He's acting weird." anito.

"Okay. I thought I was the only one who noticed it but Carissa too. So, tinanong ko si Ace... oh! oh! oh!"

Pinantuturo niya kami isa-isa ng tinignan namin siya ng mapanukso. Ace daw eh!

"O sige na. Tapusin mo na." sabi ni Melodie sa kanya.

"So yun nga, I asked him about Kean's action and what he said was Kean is into Katriel."

Nalaglag ang panga ko. As in!

"Kean is in love with Katriel. Ever since but he respected his friend, Reniel." dugtong ni Rescel.

"OMG!" utas nung tatlo habang si Rescel ay tumatango at ako na natulala.

Seriously. I never thought of that. Never. Not even once.

"Paano? Kailan lang?" si Hazel ang nag-tanong.

"Since the time when Katriel was always with them para sa challenge nung Tito ni Reniel. Alala niyo yun?" tumango naman kami sa huli. "So yun nga pero dahil nauna si Reniel kaya hinayaan nalang daw ni Kean and ngayon na siya bumabawi."

Umuwi kami ng lutang ako. I can't think straight. My mind is in tangled. Paano? So lahat pala ng iyon ay dahil may nararamdaman na si Kean para sa akin? Ganon ba? Yung palagi niya ako hinahatid, sinasamahan, pinagbibigyan, yung pagiging sweet? Akala ko friendly gestures lang yun? Bakit nagka-ganon?

I buried that thought to think more of my mission. Wala pang trabaho ngayon ang Summer Wind ngunit pupunta sila sa bar kung saan lagi sila nagkakaroon ng gig. But this time, they'll go as a private citizen who only want to enjoy night life. Yun ang sabi ni Rescel na meron ngang reliable source na if I know, si Ace nga iyon.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon