78: We Can't Be

34 4 0
                                    

78: We Can't Be

Di ko alam kung maiinis ako o matatawa sa mga bashers ko dahil sa mga sinasabi nila tungkol sa issue na sangkot kami ni Camilla.

'Porket Hollywood superstar, mang-aagaw na siya ng boyfriend ng iba! Such a slut!'

'Hindi dahil maganda siya, maaakit na niya si Reniel. Hindi nga sila bagay eh.'

'Go Camilla! Walang puwang sa mundo ang mistress! Nandito lang kami para suportahan kayo ni Reniel! Forever RenIlla kami! ♥ #RenIllaForever'

'Kebago-bago, ang lakas manghaliparot! Nakaka-inis talaga ang mga babaeng mang-aagaw! Parang nauubusan ng lalaki. Duh! Eww.'

'Bumalik nalang sana siya ng Hollywood at doon niya ikalat ang pangangati niya. Tss. Nakaka-walang gana. Idol ko pa naman siya pero nakakadismayang nang-aagaw siya ng boyfriend.'

'Leche! Sobrang leche niya. Dinaig pa ang leche! Tss.'

"'Sup? What's that?"

Sumilip si Brayden sa binabasa ko at inagaw niya ito.

"The fuck they're saying? I can't understand!"

Tumawa ako sa binulalas niya. Hahaha. Hindi ka talaga makaka-intindi niyan.

"What the hell this bitch is saying?! She's the slut here!" aniya at tumipa sa screen ng iPad ko.

Inagaw ko ito, "Don't leave a comment using my name!"

Umismid nalang siya sa akin at kinuha sa bulsa niya iyong phone niya at pumunta sa site na iyon at doon siya nagbuhos ng galit sa mga bashers ko. Hindi lang naman siya ang magtatanggol sa akin dahil may mga fans rin akong nakikipag-away sa mga bashers.

Di ko nalang pinansin iyon at naghintay na makarating sa set.

May taping kami para matapos na itong movie na ito. We're half way there already kaya hindi na ako mahihirapan pa sa pakikisalamuha sa kanila.

"Uh, Kat, invite sana kita ng lunch. Ipapakilala ko rin sa'yo yung girlfriend ko." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Kean. "She's a fan of yours and she wants to meet you. So, I want to make it happen." Dugtong niya sabay himas sa kanyang batok.

"Ohh.. ganon ba? O sige. That's a pleasure to me. But, pwede bang isama ko yun?" sabay turo ko sa mokong na tutok na tutok sa kanyang phone habang seryosong nagttype.

Ano naman kaya ang pinagkaka-abalahan ng unggoy na 'to?

"Yeah! Of course. Actually kayong dalawa talaga. Ayaw ko sana pero gusto kong mapasaya si Lexia eh. Crush niya kasi si Brayden.."

"Ahh.. so ayun pala. Sus! Selos ka lang eh!" pagtatawa ko sa kanya habang hinampas sa kanyang braso.

"Ssshh! Wala eh. Aminado naman akong gwapo talaga siya. Amerikano.. eh ano namang binatbat ng dugong Pinoy ko 'di ba?"

"Oy wag ka nga! Malakas kaya ang dating ng mga Pinoy! Ikaw talaga. Hahaha!"

Naputol ang kaonting kasiyahan namin ng tumikhim si Reniel na nasa harapan na pala namin.

"Kailangan ka roon." Malamig niyang wika sa kaibigan.

"Haha. Bro, sinasabi ko lang sa'yo na wala akong ginagawa." ani Kean sabay tapik sa balikat ni Reniel at pumunta na sa tinuro ng kaibigan.

Ngayon, naiwan akong kasama si Reniel nalang. Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ang paninitig niya. Umirap nalang ako sabay talikod. Ngunit napatigil din dahil sa paghawak niya sa aking siko para mahinto ako sa paglalakad palayo.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon