12: KCL

66 7 0
                                    

12: KCL

Ngayon palang naging klaro ang lahat sa akin. Kung bakit iwas ako ng iwas sa kanya. Unti unting nag-sink in ang sinabi sa akin ni Hazel. Ang mga conclusions ni Rescel. Melodie's what ifs at ang mga hinala ni Carissa. Na-realize ko na at napag-tagpi tagpi ang lahat. Gusto ko siya. Gusto ko si Reniel Elizalde pero dahil sa nakaraan, natakot ako kaya pinaniwala ko ang sarili ko na hindi ko siya mahal. Na wala akong nararamdaman para sa kanya. Dagdagan pa ang pag-iistrikta ni mommy sa akin na hindi muna mag-boyfriend.

Kinuha ko ang phone ko sa side table. Nag-type ako ng reply sa text ni Reniel pero ni-eerase ko din. Naguguluhan ako kung mag-rereply ba o hindi? Nakaka-baliw din pala talaga ito. Kahit ganito palang.

Muntikan ko nang matapon ang cellphone ko dahil tumunog ito habang titig na titig ako sa screen na ito. Gumapang kaagad ang kaba sa sistema ko ng makita ang pangalan ni Reniel.

Bakit naman siya tatawag? Importante ba? Tungkol ba sa challenge ng Tito niya? Kung bakit ba naman kasi may nalalaman pang challenge-challenge ang Tito niya. Edi sana, binigyan nalang sila ng kontrata.

Tumitig lang ako sa screen hanggang sa maging call ended na. Saka ko palang namalayan na kanina pa ako hindi humihinga. Muling tumunog ang cellphone ko at nakita ulit ang pangalan niya. Ngayon, sinagot ko na ito sa pangatlong ring.

"[Hello?]" narinig ko sa kabilang linya ang kanyang malamig na boses.

"[Katriel?]"

"B-bakit?" I mentally cursed myself for stuttering.

Simpleng 'bakit?', nautal pa. Ganyan na ba yan, Anna Katriel Santos?

"[Riel, pwede ka bang lumabas? Kahit saglit lang?]"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Lumabas? Anong lumabas?

Really, Katriel? Kahit salitang 'lumabas' hindi mo na alam?

"[Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Gusto ko sanang maka-usap kita.]"

Napabalikwas ako mula sa pagkaka-higa sa kama ko. Nasa labas si Reniel? At ano naman ang gagawin niya dito?

Sinilip ko muna ang labas namin mula dito sa kwarto ko. Nakita ko naman siya na naka-hilig sa may front seat door ng sasakyan niya. Nagtaka naman ako ng makita na parang nag-iba ang sasakyan niya. Audi iyong sasakyan niya pero bakit naging Maserati na? GranTurismo red convertible? Iyon yung gustong pabilhin ni Kuya kay daddy pero nag-aalangan si Kuya dahil mahal ito.

"[Katriel, nandyan ka pa ba?]"

"Huh? Uh, o-oo.. sandali lang."

Pinatay ko kaagad ang tawag at dumiretso na sa closet para makapag-bihis. I don't  want to face him with a spaghetti strap top and pj on. Duh! Too showy. I just change them into a crop tee and a skort. Hindi na siya masyadong showy.

Napahinto naman ako sa paglakad-takbo ko ng nasa hagdan na ako. Napatingin ako sa sarili ko.

Akala ko ba iniiwasan ko siya? Bakit ako naka-bihis na at pupuntahan siya ngayon?

Ugh! Ano pa ba ang gagawin ko? Eh andito na ako at nasabihan ko na siya ng sandali lang kaya any minute ay dapat nandon na ako kaya naman lumabas na ako.

Napatayo siya ng maayos ng nakita ako. Parang nagkakarera naman ang puso ko sa kaba. Damn! Bakit ba kasi ganito?

"Huh?" Napataas ako ng kilay.

Paano ba naman kasi, binuksan niya iyong front seat door at tumingin sa akin at parang gusto niya akong papasukin sa sasakyan niya.

Umiling na lang ako sa kanya. Akala ko ba dito lang?

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon