27: Paying Off

47 6 0
                                    

27: Paying Off

I went home later that day. Natapos ang mini concert ng Summer Wind ng isang huling kanta. Hinatid ako ni Reniel sa parking lot kung saan naghihintay na ng mahigit isang oras ang driver ko.

"Sorry po kung pinag-hintay ko kayo." pagpapaumanhin ko.

"Ayos lang iyon. Basta sumabay kayo sa akin ngayon dahil baka mapagalitan muli ako ng daddy niyo at masisante."

"No! Hindi. I won't let that happen. Sorry po talaga and sasabay naman po talaga ako sa inyo. Hinatid niya lang ako." sabi ko sa driver.

"Sige ho manong, ingat po sa pag-drive ha?" ani Reniel sa driver ng pumasok na ako sa sasakyan.

I run fast to my room when I got home and I squeal the hell out of me in giddiness dahil sa nangyari ngayong araw. Two days pa before ang mismong araw ng mga puso pero kinikilig na ako. Good thing, naka-tulog pa ako ng maayos pagka-gabi at sa sumunod pang gabi.

Nang mag-linggo, biglang pumasok sa isip ko na mag-sisimba kami ngayon kaya nag-handa na ako para maligo at inayos ang sarili katapos. I wore my grid print Lulu crop and a pleated Hi Lo skirt paired with just an ankle boots.

Kakaupo lang ni Dad at si Kuya naman ay hawak-hawak na naman ang phone niya ng madatnan ko sila sa dining. Mom is probably in the kitchen, helping the maids to serve the food.

"Mabuti naman at naka-ayos ka na. Akala ko maghihintay nanaman kami ng ilang oras." sabi ni Dad ng maupo na ako.

Hindi na ako umimik. I just smiled sheepishly. Lagi ko kasing nakakaligtaan na tuwing Sunday ay pupunta kami ng simbahan. Kinakatok pa ako sa kwarto ko para magising.

After we ate our breakfast, konting ayos lang at ready to go na kami. Sumusunod lang ako kay mommy habang nasa unahan si daddy at nasa hulihan ko si kuya.

Once the maid open the door, natigilan kaming apat sa nakita. Nagulat ako dahil unusual.

Isang human-sized teddy bear ang tumambad sa amin pagka-bukas ng pintuan. Sinugod ko kaagad ito at niyakap. I assumed that this is mine. Ako lang naman ang babae sa pamilyang 'to except kay mommy. Hindi na naman bagets si mommy para bigyan pa ni daddy ng ganito or kung sino man. Hindi din naman si kuya dahil lalaki siya or if may magbibigay man, hindi naman dapat teddy bear ang ibigay so, it's for me.

While hugging the stuff toy, I saw a note sticked on its hand. And I am right, it's for me and of course it's from Reniel. Wala ng iba.

"Sinong nag-lagay niyan?" tanong ni daddy sa kasambahay.

"Hindi ko po alam, Sir."

"Alam mo ba kung sino ang naglagay nito?" tanong niya sa driver na naroon, matigas ang boses niya at halatang ayaw niya sa ginawa ni Reniel.

"Uhm, Sir, hindi po nagpakilala eh. Naki-suyo na lang kanina dahil hindi namin siya pinapasok." sagot naman nito sa daddy ko.

"Katriel." ma-awtoridad na tawag ni daddy.

Tumayo ako ng maayis at hinarap sila. I know what he wanted to know so... I'll tell him, of course.

"It's from Reniel."

Dad released a deep sigh and I know that he's disgusted. Napasingahap naman si mommy sa sagot ko and Kuya was just like it's nothing to him.

"Hayaan mo na ang maid na maglagay niyan sa kwarto mo. We're running late." ani mommy ng makita akong binubuhat na ang stuff toy.

Si daddy naman ay bumaba na at kinuha ang susi ng kotse mula sa driver. At dahil sa masunuring bata ako, I stepped forward going inside the house while I am suffering the weight of the stuff toy. Habang tumatakbo ako, umaalingawngaw ang takong ng ankle boots ko dahil sa pagtama nito sa marmol na sahig ng bahay.

Have Been In Love With The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon