Di ako gumawa ng Wattpad account ko para magmalaki na magaling ako sa pagsusulat at unique ako sa Industry na ito. Na hindi ka magkakaroon ng future kapag na sa industry ka na ito kaya huwag ka magcall center. Nabibilang ako sa mga technical support ngayon. Mahirap talaga kapag nagsisimula ka tapos kakapanganak mo lang tulad ko. Ang dami mong nararamdaman sa katawan mo,maraming adjustments at nagiging mainitin ang ulo mo sa stress. Lahat ng yan naranasan ko. Naranasan ko pa ngang makatulog sa CR habang nakahold sa customer na matanda at pinapacheck ang produkto niya. Naranasan ko yung sumakit ang tiyan pero kelangang sagutin ang call kasi macacall avoidance ka. Ang pinakamalupit pa diyan,naranasan kong hindi mamute ang telepono habang natatagalog ako at tinatanong kung paano ko lulunasan ang problema ng customer (sa dati kong company). Salamat sa Diyos na magaganda ang feedback sakin ng mga boss ko at nakikita nila ang potensyal ko lalo na sa communication skills at confidence. Salamat sa Diyos sa work na ito. Ingat sa irate callers na tiyak na magpapangitngit sayo dahil sa charges na nakuha nila,hindi nasunod na requests nila at iba pa. Mapangiti ka naman sa mga customer na nagpapangiti sayo dahil sabi nila boses mo pa lang mukhang mabait na (kala lang nila,hahaha!) Ginawa ko ito para sayo,kaibigan kong Call Center agent din kahit bigatin ang mga tinapos natin (ngumiti ka na at wag mastress). Unti unti kong bubuuin ang sulatin kong ito ayon sa sarili kong karanasan sa Call Center at sana matuto ka at matutong pahalagahan ang ganitong klaseng work. Maraming salamat sa pagsubaybay sa mga sumusunod na pahina. I will make sure that you will read the next pages dahil you will learn a lot. This is also an online diary of my Call Center Life. I have been in the industry for almost 4 years this December 2017. I worked with different company at iba iba ang naranasan ko. Samahan mo ko sa kwento ng saya at lungkot ko sa industry na ito na kapupulutan mo ng aral. Tara!!! I Salute Call Center Agents like you. HIndi madali pero masaya. Tara, kwentuhan tayo at makakarelate ka sobra.
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
Non-FictionMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...