FULL OF HOPE

31 0 0
                                    

     Mahirap isiping may pag-asa pa sa mga bagay na hindi na magbabago. Sa mga bagay na hindi mo makokontrol. Nakagawa ako ng tulang "Full of Hope" sa facebook account ko sa kabila ng mga hindi maganda at masakit na nangyari. Effective last Nov. 28, resigned na ko sa Sitel na pinangarap kong tumagal ako and after weeks nakapagclearance ako. Mahirap dahil wala akong ipon at bread and butter ko iyong work ko. Sa tulong ng family ako at family ng asawa ko, nairaraos namin ang araw araw na buhay. Hindi ko alam kung paano pero lumipas ang mga araw na hindi naiwasang makatanggap ako ng mga masasakit na salita na ayaw ko ng balikan pa at tinanggap ko na lang as constuctive criticisms. Dumagdag pang nabundol ng sasakyan ang anak kong panganay at hanggang ngayon ay nagpapagaling siya. BIlang ina, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang nangyari pero sa suporta na rin ng mga nakabundol sa kanya, mabilis ang paggaling ng anak kong si Ashanti. Halos 2 months na rin akong nakarest sa work dahil sa treatment ko sa naging sakit ko na ayaw ko ng pag-usapan sa part na ito. Welcome back with SPi Life. Hindi ko akalain babalik ako sa kompanyang ito na naranasan kong magkasakit ng malubha na akala ko the end na ng buhay ko.  Sa totoo lang wala akong ipon at umaasa lang sa kayang gawin na miracle ni Lord at heto na nga 4 days na lang balik na naman ako sa work. Masarap mabuhay ng may pag-asa na maitatama mo ang mga mali mo at this time alam ko sa sarili ko na I will value my job more. Sa ngayon, masasabi ko na it helps na may knowledge na ako sa Dish at alagaan na lang ang stats ko including my attendance. I will with God and I know that He will never leave nor forsaken me. I never left Call Center Industry since 2013 dahil alam ko na mapapatunayan ko din ang potential ko balang araw. Napakarami ng pagsubok ang dumating sa pamilya ko, career at kalusugan ko pero giving up is not the option. Taking a pause, relax, pray and rest tulad ng mga nangyari ngayon. Sa ngayon, asa pa din sa provisions ni Lord until na makuha ko blessings ko next year at prayers will be answered. Mga anak ko ang inspirasyon ko sa mga pagsubok dahil ayokong maranasan nila ang mga hirap na naranasan ko.  

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon