"We are all in one this together." Tagumpay ng isa tagumpay ng lahat. Mula sa manager hanggang sa agents kasama na ang coach. Ang score mo ay dapat passing or excellent so it can help the team's performance and also your standing as an employee. That is my goal and I know it will never be easy. In this industry, hindi mo alam mangyayari araw-araw. Hindi mo alam if may makakausap ka na mabait na customer na bibigyan ka ng 100 survey o irate at kulang na lang akuin mo yung kasalanan sa palpak na nangyari sa service nila. Natuto ako as early as now sa coach ko na 10 years na industry natin. Pinatunayan niya na sa one decade niya sa industry kapag agent ka niya kung kelangan ka masaktan sa katotohanan na para bang "wake up call" mo pagtapos noon goodvibes na sa work. Nakita ko ang epekto ng magandang performance ko na tulong sa team. That is what I am pushing to the next 2 months para maregular ako. In this industry, attendance is very important and also your obedience. Yung pagsunod mo sa mga rule sa work mo ang magbibigay sa iyo ng success. Honestly, sa 4 years ko sa BPO this coming December, I am just starting to feel good. Bakit? Dahil sa awa ng Diyos, naitatama ko na yung mga bagay na naging habitual ko ng gawin tulad ng pagliban sa work pag masama pakiramdam. Masyado akong naging kampante na hindi ako babagsak noon kasi lagi ako icoconsider. Ngayon, naisip ko na hindi pwedeng iasa mo yung galing mo sa iba. Kelangan tulungan mo sarili mo at pagkatiwalaan mo yung sarili mong potensiyal kahit pakiramdam mo walang naniniwala. Masyado pang maaga para sa akin para sumuko o magpunyagi sa kung anong mayroon ako ngayon. Lagi ka dapat tutok sa performance mo. Everyday is different at ibat iba ang klase ng customer na nakakausap mo araw araw. Voice can be deceiving. Ineexpect mo ang magbibigay lang ng 0 survey sa amin ay mga upset na ipapacify mo para lang hindi ka balikan ng survey. Voice can be deceiving na akala mo na binigay mo yung best pero ang ganti sayo bad survey pa din. Kelangan "all in one" or teamwork dahil kapag hindi alam nung isa ay dapat tulungan mo dahil pagsasamahin ang team scores niyo at iyun na ang reflection ng team niyo. Napakahalaga talaga ng cooperation mula noong nag-aaral pa ko hanggang ngayon working mom na ako. Kelangan kusa ka ng gumagawa ng way para matuto at makatulong sa team o sa coach mo na walang kapalit. I am looking forward to excel in my team right now for my dreams. Masarap sa pakiramdam na ang good metrics mo ay tulong sa team para maging performing. Obedience in a way na kapag may updates, you will be very willing iapply agad sa calls mo at as an employee. Two are better than one, because they have a good return for their labor. For either one of them falls, the one will lift up his companion. (Ecclesiastes 4:9). Mas magandang sabay sabay kayo nagpeperform at galangin ang mood ng leader natin o coach kapag naiistress sa scores ng team dahil concern lang siya na pare pareho tayong mawalan ng trabaho. Sa mga hirap at pagsubok ko, sa Sitel, natuto akong pahalagahan ang work ko dahil naiisip ko pagkakamali ko at yung chance na ito ay ayoko kong sayangin.
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
Non-FictionMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...