"Today is a bad day but not a bad life." May challenges ka na mararanasan sa industry na ito. Naipit ako sa traffic sa work at sumasama ang pakiramdam dahil na din sigurong almost 2 months pa lang ang aking anak. I am getting stronger everyday dahil may Abraham ako na nakikita ko araw araw at dalawang mga babaeng anak na lumalaki ng maayos. May mga anak akong tatlo na lumalaki ng maayos at malusog. Mas gumaganda na din ang pakiramdam ko dahil sa hilot ng asawa ko. 2 weeks akong walang schedule sa calls including this week at makakabuti iyon para sa akin para marefresh sa tools at call handling ng account namin. I feel guilty nung napagsabihan ako ng maganda kong TL (Team Leader). Pero mas maganda na siguro iyong napagsabihan ka, it might be painful pero maiisip mo din ang mistake mo at maitatama mo. Pagiging regular with hardwork before it is too late, iyan ang work goal ko. Hindi madali ang labanan ang postpartum depression lalo na ang dami mong challenges sa buhay kasama na ang financial. This week is a busy week for me kahit na hindi pa ko nagcacalls dahil kelangan kong makumpleto ang requirements ko para sa Maternity Paykong natitira. Ang sarap talagang pakinggan ng "Last Hope" by Paramore. Isa ito sa mga paborito kong kantahin bukod sa "The Climb" ni Miley Cyrus dahil sa sinasabi dito na hayaan mo lang na masaktan ka, minsan hindi mo nararamdaman dahil namanhid ka na, pero may spark kang mararamdaman na magbibigay sa iyo ng pag-asa para ituloy ang buhay mo. Panalangin kong mas maging matatag para sa mga pagsubok ko this year at para matupad ko ang mga pangarap ko. 6 months na ko sa IBEX ngayong January 24,2019. Marami na ang nawala sa wave namin pero iilan ang mga natira at patuloy na nagwowork para sa pangarap at pamilya nila. Sila din ang inspirasyon ko at nalalambing dito sa work para paghugutan ng lakas. Sila ang mga taong alam kong nakakaunawa sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/54302832-288-k849290.jpg)
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
No FicciónMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...