a industry na ito, ang dami ko ng nagawang kapalpakan at masasabing kalokohan. Ang daming times na pwedeng ikawala ng work ko kapag hindi ako na save sa kamalian ko. Kung iisahin isahin ko yung mga panget na naging asal ko, baka doon na lang matuon itong part na ito. I prefer to talk with my latest bad behavior. Alam ko sa sarili ko that Sitel gave me a lot of pressure and stress. May pagkapanatag akong babae. Tamad at minsan petiks mode. Attendance issue ko simula ng nag-aaral pa ko, hanggang sa naging teacher ako at ngayon steady as Call Center Agent na for almost four years. I asked myself and I pray. Why am I not changing? I have to kasi baka dahil sa hindi ko pagbabago, hindi ko makamit iyung dreams ko. Kaya pakiramdam ko ang bagal ng progress ng buhay ko at pagasenso na iniaalay ko sa mga anak kong dalawa. Alam ko sa sarili ko na hindi ako perpektong ina pero with this industry, I learned to build dreams for them and be more patient. Isang gabi pagpasok ko, hindi ko talaga feel na magtawag at parang nanlalata ung katawan ko at hindi na ko nakapagtawag for the whole day dahil I overslept without permission. Malaking epekto na bago pumasok ay may pagtatalo pa sa tatay ng mga anak ko, stress sa pagbudget, stress sa time ko sa kids ko. I just think every shift na pagsagot ko ng mga tawag, pagtitiis sa puyat at sa mahirap na kalagayan ko ngayon, nawawala yung guiltness ko sa mga nagagawa kong mali. Masakit sakin na nadisrespect ko ang coach ko na nagregular sakin at parang second nanay ko na din. Naisip ko, paulit ulit na lang ba akong bibitaw sa work ko kapag nakaramdam ako ng demotivation. Sabi ko din sa sarili ko na kelangan ko ng more Me Time. The day came na nakipaghiwalay na ko sa tatay ng mga anak ko at buti na lang hindi pa kami kasal at napilitan akong mag emergency leave para makabawi din sa mga anak ko. Umiyak ako sa sadness hindi dahil nanghinayang ako sa 3 years kung hindi nakawala na rin ako sa taong paulit ulit sinisira ang buhay ko. Siguro kaya wala akong peace of mind dahil nakakulong ako sa maling pagsasama na matuturing akong martyr. Para sa mga anak ko, I realized to be more stronger at isipin sila. Oo aaminin ko masakit kasi pati trabaho ko sumabay sa pain na nararamdaman ko. Sana sa pagiging single mom ko. magbago na rin ang behavior ko para naman mas matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay para na rin sa mga anak ko na maliliit pa. Sana maging maayos ang lahat ngayong single mom na ulit ako after three years at maging mas okay ako sa work ko dito sa Sitel. Sana mas swertehin na ko lalo nawala na yung taong laging pinapasakit ung ulo ko. Masasabi ko na mas okay na ako ngayon at may peace of mind na ako. I always ask His guidance na kayanin ko lahat ng trials na ito. Cast all your anxiety on Him because He cares for you. "1 Peter 5 :7" Thank You Lord, makakayanan ko ang mga hamon.
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
Non-FictionMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...