November 6, 2018, isang taon na ang lumipas na nakayanan ko ang depression na aking pinagdaanan sa aking pamilya. Depression na pumatay sa aking mga pangarap at paniniwala sa sarili. May mga panahong hindi maayos ang tulog ko at wala akong iniisip kundi paano ako makakamove on ng tuluyan sa mga kamalian ko sa aking nakaraan at pati na rin sa mga masasakit na nangyari. Natutuwa ako ngayon habang pinapakinggan yung preaching ng isa sa favorite pastors ko si Jeff Eliscupidez na "Jesus on Wealth." Pang lima na ding tula ang nagawa ko habang hinihintay ang paghilab ng tiyan ko at ang title ay "Tagumpay sa Kalungkutan." Hanggang ngayon, nakatabi pa din ang journal ko ng nadepress ako noong 2017. BInabasa ko siya at I feel more grateful na nakayanan ko ang isa sa pinakamahirap na stage ng buhay ko. November 6, umiyak ako sa IBEX na work namin dahil hindi ko pa nakuha ang tseke ko ng Maternity Pay 1 ko galing SSS. November 16 ay nakuha ko din ito dahil sa pagtitiyaga sa pagdasal at pagpunta sa trabaho at talagang nakabili kami ng mga gamit ni baby at sa bahay. Ang Maternity Pay 2 ko ay makukuha ko pagkapanganak ko kay baby. I am trusting for God's provisions while nakaleave ako at patiently waiting sa mga benefits na makukuha ko. Alam kong 3 to 4 months akong hindi makakapagwork dahil manganganak ako at kelangang magpahinga at magpagaling. Sa totoo lang, natatakot din ako na magiba ako lalo na at magiging makakalimutin dahil sa anethesia na ituturok sa akin. Sa kabila noon, nagiging positibo ako na kakayanin ko ang bagong buhay kasama ang tatlo kong mga anak at pati na din ang asawa ko. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sa patuloy kong healthy mindset na hindi na ko naaapektuhan ng depresyon. October 20 pa lang ay pinayagan na ko ng IBEX na magleave habang hinihintay na manganak ako at grateful ako sa pang-unawa nila sa kalagayan ko.
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
SachbücherMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...