"A SWEET GOODBYE"

33 1 0
                                    

          July 24, 2019. Masarap sa pakiramdam na heto na ang hinihintay kong moment at 1st anniversary ko na sa IBEX. Nakangiti ako habang tinatype ang mga pangyayari. Para akong graduating sa College na nagbibilang na lang ng mga araw para makuha ang diploma at heto na nakamit ko na. Hindi ko makakalimutan ang mga panahon na naghihirap ako sa pinansiyal at emosyonal. Bilang licensed teacher, masakit para sa akin na hindi ako nagpeperform sa IBEX na akala ko okay ako. Nakaalis na din kami sa kubo na tinirhan namin ng 10 buwan. Masasabi ko maayos ang buhay ng aking pamilya at masaya akong kasama ko si Mama para maipagamot siya sa kanyang hypertensive mild stroke.  Masaya ako na nakikita siya araw araw paggaling ko ng work. Masaya ako na nakakasama niya kami ng asawa ko at mga apo. Masaya man ako ay malungkot din na nakikita siyang mahina sa kanyang sakit. Restday na namin at ilang araw ay pigil hininga akong naghihintay magkaroon ng 1st incentive at makapasa sa metrics. Dahil sa coaching at pagtitiyaga ng TL ko sa akin ay nag improve na ang metrics ko at umaasa na sana ay magkaincentives starting this July. Balak ko na ding mag OT this August para may extra pay sa mga bayarin namin. Maganda ang nalipatan naming bahay at nagpapasalamat ako sa Diyos sa hirap at ginhawa na aking naranasan. Nakuha ko ang pinakaunang incentive ko for the month of July at nangako ako sa sarili ko sa dasal at tiyaga, kukunin ko na ang performance incentive ko every month. Maayos naman ang buhay ko kahit minsan gipit. Masaya naman ako sa work ko kahit na minsan inaatake ng depresyon at pagod. Salamat kay Lord na kumpara noong 2016, 2019 is a blessed year for me. Sa 6 years ko sa Call Center, hindi ko man natupad lahat ng pangarap ko ay kakapit pa din kay God dahil alam ko may perfect timing ang lahat. Dito na nagtatapos ang Call Center Life ko. Sa ngayon, dito na ko sa IBEX bumuo ng mga pangarap para sa aking pamilya lalo na sa aking tatlong mga anak. Pinatunayan lang ng buhay ko na kahit na may mental illness kang pinagdadaanan o PWD ka na maituturing, kaya mong umangat at maging inspirasyon sa iba. Kaya mong maging matapang.

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon