Naging inspirasyon ko si Jethro na may-ari ng restaurant na dumaan sa depresyon pero hindi nagpadaig dito. Naging mas grateful ako na kahit ilang beses akong nagka suicidal thoughts ay hindi ko naisipang magbigti talaga o magpakamatay. Napanood ko si Jethro sa TV Patrol at naging inspired akong aralin ang ibat ibang mental illness na pwedeng magkaroon ang isang tao na pwedeng makaapekto sa buhay at pananaw niya sa buhay. Kaya kahit na 3 days na lang 1 month na kong hindi pa nagcacalls, I will persevere more para sa goals ko. Makapag-ipon, mas magandang buhay para sa pamilya, makatulong sa kapwa at higit sa lahat to glorify God more. Time is now for me to share the pledge that we have here in work.
1. REMAINING PROFESSIONAL, COURTEOUS AND FRIENDLY AT ALL TIMES- Maari kang matanggal sa rudeness lalo na pag napakinggan ng QA (Quality Analyst iyan). Kailangan kahit sa totoong buhay, sikapin nating galangin si customer at kung kelangan humingang malalim bago balikan ang call, gawin natin. In that way, no regrets kapag nakaviolation tayo sa paghandle ng call. Mahirap itong gawin para sa akin kaya thanks sa Hold and Mute Button when I cant handle my emotions. Imagine, I have been taking calls for 5 years and counting.
2. HAVING EMPATHY, OWNERSHIP AND ENTHUSIASM TO HELP- Dapat lagi kang willing tumulong kay customer at paramdam mo na naiintindihan mo yung nararamdaman niya.
3. VALUING MY CONNECTION WITH THE CUSTOMER AND SELL THE VALUE OF OUR PRODUCTS- You should know your product, how to value and sell it. Diyan pumapasok yung "sell the value" na halimbawa gusto na ni customer mag cancel ng account, go ka para isave siya para hindi na siya kailangang itransfer pa sa Retention Department.
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
No FicciónMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...