In this industry, two months from now, 4 years na ko as a Call Center Agent na naging bread and butter ko. On that part, naisip ko na siguro hindi lang naman ako ang dumaan sa ganitong situation na kay Lord ko na binigay kung mawawala na naman ang work ko o hindi but I am fighting. Masakit sa akin ang mga nangyayari but I am on the process na malaman kung ano talagang sakit ko. Nagsisimula na ko sa pagsusulat ng "My Diary to the Lord" para maiwasan ko din mag overthink. Kahinaan ko ang magisip ng magisip dahil last November 1, hindi ako nakapasok sa trabaho ko dahil sa unexplainable na sakit ko. Ang alam ko lang unang nangyayari sa akin ay sumasakit ang ulo ko at nanginginig ako. I can say na walang pinagkaiba sa epilepsy ang sakit ko. I am in my darkest now at I am more inspired to write more cause natutulungan ako nito na iexpress ang sarili ko. I feel so dumb right now dahil pakiramdam ko mali mali at ang hina ng pick up ko sa lahat ng bagay. Kaya din ako tinawag na bingaw ng kambal ko as lambing dahil ako yung taong lalampa lampa. Iniiwasan kong maging negative ngayon dahil alam ko na hindi ito makakatulong sa nangyayari sa akin. Iniisip ko na lang na kelangan ko ulit hanapin ung sarili ko at mga anak ko na maliliit pa at umaasa sa akin. Napanood ko ung video ni K Brosas, isang komedyante at masayahin na katulad ko. Nagkaroon ako ng idea sa anong sakit ko dahil sa video niya. She is suffering Chronic Anxiety Disorder due to Supressed Depression. For me, may pagkakahawig ang sakit namin kasi I look so healthy physically but I am so depressed deep inside. Mula pagkabata, old memories at sinamahan pa ng current stress, alam ko hindi nakaya ng isip ko kaya ako inatake ng dalawang beses ng gabing iyon, that is a panic attack. Nagsimula ito sa panginginig ng aking katawan hanggat sa pagwawala at humantong sa nagkapasa pa ko sa braso. Bukod doon, walang humpay na iyak at pagtirik ng mga mata na parang possessed kasi dun ko narelease lahat ng stress ko. Maraming salamat nakapagsimba ako kanina, nakaiyak kay Lord na naging lakas ko at sa lahat ng mga tumutulong sa akin para malagpasan ang mahirap na stage ng buhay ko na ito. Bilang respeto na din sa tatay ng mga anak ko sa kabila ng lahat, patuloy ko siyang pinagdadasal na matanggap ng tuluyan ang desisyon kong maging magkaibigan kami at yung space para sa mga anak naming dalawa. I had just this on and off 3 year relationship with him at mabuti naman siyang ama sa mga bata in some ways. I will have my check up later with psychiatrist and neurologist later. Maraming salamat sa dasal my dearest readers. Mas kelangan ko ng pangunawa ngayon sa kalagayan ko. Beloved, the symptoms in your body may be there, but they're not the truth. God's Word IS TRUTH. And God says, "By Jesus' stripes, you are healed" (see 1Peter 2:24). Gagaling din ako. Lalabanan ko ang sakit na ito.
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
No FicciónMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...