NOTHING IS IMPOSSIBLE

70 1 0
                                    

            It is very true that nothing is impossible. Miracles happen (Matt. 19:26). Yung mga araw na susuko ka dahil hindi na maganda ang performance mo, God will make a way when there seems to be no way. Naranasan ko na ang grabeng kabiguan sa industry na ito. Sa Sutherland,  nagkasakit ako noon ng Costochondritis, ayun ang pamamaga ng ribs natin at para ng may tumutusok sa tiyan mo sa sakit at na ER ako noon. Ayoko na ring balikan ang ibang experience ko na malungkot pero hinayaan kong ikwento ulit ang nangyari sa akin noong naging employee ako nung 2016 sa SPi na naka move on ako sa awa ng Diyos. This is my way to say how hard it is for me to keep moving forward at isinuko ko lahat kay God ng down moments ko na alam kong lilipas din naman. Noong ako ay na sa Convergys noon, 2 buwan pa lang ang bunso kong anak noon, I experienced postpartum depression. Nabinat ako sa stressed kasi from customer service ay technical account ang hinawakan ko at iyon ay ATT Uverse na nagexcel ako sa graduation namin. Nagpahinga ako ng mga ilang buwan noon at sinubukang ang swerte ko sa Financial Account pero hindi ako nagtagumpay dahil may nangyaring hindi maganda sa panganay kong anak. Mga ilang linggong pahinga ko noon at dahil kelangan ko ng magwork para sa mga anak ko, doon ako naging desidido mangarap na maging tenure na sa SPi. Sa kasamaang palad, hindi pala tama ang hinangad kong palipat lipat ng company or what we call as "hopper." Hindi ako nahihiyang sabihin na pinangarap ko maging part ng ibat ibang kompanya dahil immature pa ko noon. Noong naging dalawa na anak kong babae pareho at nag-aaral na ang panaganay ko,unti unti ko ng naiisip maging tenure at permanent sa work ko sa BPO. Maraming dumaang hirap,ligaya at kabiguan ng nagtrabaho ako sa SPi hanggang nagresign ako ng maayos. Ngayon, dito sa SItel, akala ko imposible na matupad ko mga pangarap ko. Sa totoo lang, marami ako binabayaran at isa yun sa motibasyon ka para di sumuko.  Nakakarelate ako sa customer na kapag umaangal sa charges nila at tama lang na intindihin ang nararamdaman nila kasi we all pay bills. There are times sa stress susuko ka na at manlalata sa pagod, dasal lang at pahupain ang stress para lumaban ulit kinabukasan. This is my second chance with Sitel at katakot katakot na 6 steps ang dinaanan ko at mag 4 na buwan ko rito ay parang dami na talagang nangyari. Ngayon, bawat pagpasok sa work, baon ko ang pangarap kong tumagal more than a year, itaas ang Diyos for another wish come true. Makita na sa work mo as your bread and butter, maging maayos ang iyong mga anaksa kanilang paglaki. Nothing is impossible for those who believe. Let us pray na hindi mamatay ung faith kahit gaano kahirap. Hindi ko man ako magexcel agad agad,dadaanin ko sa tiyaga at pagpapakumbaba. Learning happens everyday so never ever be mediocre or panatag.


I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon