FIERCE

35 0 0
                                    

                      Fierce means strong and aggressive. Sa mga lahat na napagdaanan kong trabaho, hindi maiwasan na makilala ako dahil labas ang personal kong buhay sa mga down moments ko lalo ng nagwork ako sa Sitel. Araw araw, pinipilit kong magwork at magperform kahit hindi maiwasan na madala ang problema sa work. Alam ko na hindi lang ako nakakaranas ng ganung sitwasyon at malaking pasasalamat ko kay Lord na sa kabila noon, heto pa rin ako buhay ang pangarap para sa pamilya at para sa mga anak ko. Naniniwala ako na maraming pagpapala ang darating ngayong year na ito lalo na at ikinatiwala ko na kay Lord ang buhay ko at mga plano. Sa work ko ngayon sa SPi, hindi ko na iniisip ang oras na lumilipas instead nilalabanan ko ang nakagisnan kong work ethic na hindi maganda. Ayaw kong isiping magaling ako o tama na yung ginagawa ko. Kung tutuusin para sa akin kahit may 6 months na karanasan na ko sa paghawak na Dish Account before, nagsisimula ulit ako sa umpisa. Maayos naman ako sa environment at sa performance ko. May kaibigan akong naging angel ko at Angel ang pangalan na naging inspiration ko dahil certified workaholic at magaling magbenta. Nung Orientation namin, hindi ko akalaing magiging close kami lalo na at pareho naman talaga kaming conversant. Knowing each other for 2 months now ay humanga ako sa kanya sa katatagan ng loob niya at galing sa work. Hindi man siya naging officially promoted ay may karanasan na siyang maglead ng agents at isa iyon sa talagang naging asset niya. Parang kapatid na din ang turing ko sa kanya dahil halos lagi kami magkasama. Inaamin ko marami pa din akong takot dahil sa karanasan ko sa Sitel noon sa naging friend ko na itago na lang natin sa pangalang AA, buong name niya. Natanggap ko na din at napatawad ko yung sarili ko sa nagawa niyang panloloko sa akin at iyon ang nagpatatag sa akin bilang isang ina. I should be wiser this time so I can be stable as my daughters grow. 

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon