KEEP FIGHTING (5)

10 0 0
                                    

        CHAPTER 2:  THE STRONG YOUNG MOM

         Pangarap ko talagang maging isang Trainer or Teacher noong bata pa lang ako. Nung bata pa ako, mahilig na ko magturo kunwari at iniisip may mga student ako. Masaya akong may napapasaya ako o may natuturuang ibang tao. Hindi naging madali ang naging journey ng personal life ko pero hindi ko ito hinayaang masira ang mga pangarap ko. I gave birth when I was 18 pero nakapagtapos pa din ako ng pag-aaral. When I graduated last 2013, naging dalawang beses akong nag Dean's Lister, super proud at grateful ako sa Diploma ko dahil working student ako. I was working with an Online Japanese School for 2 years kasama ko kambal ko to support myself para din makatulong sa parents ko. Ilang weeks after my graduation, nagturo ako sa isang private school pero unfortunately, nagkaroon ako ng traumatic experience sa isang parent. Pinost niya ang mali kong check sa Facebook at hinusgahan ako ng mga ilang parents na hindi pa sapat ang aking training. Naging masakit at masaya ang experience ko bilang Grade 1 teacher at nangibabaw ang acceptance na baka hindi ako para sa School. December 2013, I joined Sutherland which became my very 1st Call Center Company. Nagrereview ako after shift dahil gusto ko pa ding i push ang pagtake ng board exam and I passed the exam. Perseverance, hardwork and prayers ang naging lakas ko para matupad ang mga pangarap ko. Until now, I still work in Call Center. Nakakaproud maging part ng Call Center dahil hindi ito madaling trabaho. Computer, headset at tools ang naging instruments ko to help my customers. Sa Call Center ako, gumaling sa pagsasalita ng Ingles at nangarap para sa aking pamilya. I will be celebrating my 1st year sa IBEX next month, ang kompanyang tanggap ako kahit ako ay isang bipolar. Ang bipolar ay isang mental illness na paiba iba ang mood at desisyon. Ang epekto nito ay panic attacks kapag masyado naistress. Salamat sa Diyos, nalalabanan ko ito. Mahirap pero kinakaya. Para sa akin, habang buhay ka, laging May problema at lalaban.

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon