DISPUTE!!!! (GRRRR!!!)

633 3 0
                                    

         MapapaHAY ka na lang at sabihin sa sariling gusto ko ng lumipat ng ibang call center dahil sa dispute o kakulangan sa sahod. Naalala ko nung mga time na nasahuran lang ako ng 1,500 pesos,galit na galit ako at pati mga boss ko di alam kung paano ako pakakalmahin.1st call center ko un(hahaha secret kung anong company). Ito yung meaning ng dispute (a disagreement, argument, or debate.) Kasi hindi ba napag usapan na yung tungkol sa sasahudin at makukuha mo tuwing payday sa kontrata na kasamaang palad ay hindi nasunod.Di ko masyadong naintindihan ung paliwanag niya maliban na lang sa sinabi niyang dollars sila magpasahod kaya maraming call center dito sa Pinas ay dahil sa cheap labor. Cheap labor? tapos may dispute pa din? Paano na ang puyat,effort,stress at sakripisyo natin? Sa totoo lang,para na rin tayong na sa abroad dahil nga sa oras ng trabaho natin na kabisado ng masasamang loob. Grabe ung napanood ko sa SOCO. Ung lalaking gumagamit ng taxi para manlamang ng kapwa. Nanggahasa,nagnakaw at gumawa ng krimen gamit ang pagiging taxi driver pati na ang baril niya. Ingat ka kapatid. Wag idisplay ang gadgets,wag magdala ng malaking pera at huwag saan saan nilalagay ang ATM mo. Wag ka basta basta magtiwala habang naglalakad ka habang umiindak na gamit ang headset mo. Huwag kang kampante sa MRT o LRT. Walang pinipiling oras ang mga masasamang loob. Kahit sino binibiktima niyan. Ingat lang. Ako,sa totoo lang,ilang beses ko na naranasan ang dispute na iyan. Kung pwede nga lang eh lumipat na ko agad agad pag may dispute kaso alam mo yung laging naiisip ko yung mga maaamong itsura ng mga anak ko. Kada sahod kasi,nabibilhan ko sila ng needs nila. Masaya ang puso ko kahit minsan wala na masyadong matira sayo basta maayos lang ang pamilya mo ay okay ka na. Hindi mo na din kailangang mag abroad. Handa mo lang ang iyung mga mata sa puyat at babad sa computer. Handa mo lang ang galing mo sa computer at boses mong confident sa pagresolve ng concerns kahit hindi tumpak ung solusyon mo kay customer. Step 1,ika nga ng kabigan ko sa wave namin,ATTENDANCE. Masarap mag ipon ng experience na nahirapan ka,para sa akin ha? HInahangaan kita kapwa ko call center agent dahil ang trabaho natin ay hindi madali pero pinili natin ito dahil sa mga umaasa sa atin. Dispute? Sana wag mong sirain ang loob naming tumagal sa kompanya namin. Dahil pati ang kalusugan namin at normal naming tulog,nasasakripisyo na namin para lang kumita ng mas mainam para sa pamilya at para na din sa pangarap. 





I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon