When I was depressed way back 2017, I was so insecure of my own potentials na naapektuhan pati ang personal kong buhay at pakikitungo ko sa aking pamilya. I had a lot of achievements dahil nagtotop ako simula nung Elementary pa lang ako. Naging registered teacher ako dahil sa pagsisikap ko mag-aral. Natuklasan ko pa ang talento ko sa pagsusulat ng kwento, kanta at mga tula. Naniniwala na ako sa sarili ko ngayon at sa plano sa akin ng Diyos. Sa almost 6 years ko sa Call Center Industry, natutunan ko na makibaka sa hirap at ginhawa ng buhay work. Para na din akong OFW dahil wala ako sa gabi para bantayan ang aking mga anak kaya pag restdays, mas piliin kong na sa bahay lang at kapiling sila. Makukulit man sila ay nakita ko kung gaano kabuti ang Diyos upang maging malusog at mapagmahal ang aking mga anak. Hindi ko maimagine ang sarili ko na wala sa Call Center dahil dito ako naging bitter at naging better. Bitter dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako promoted. Nabawasan ang bitterness ko kapag naaalala ko ang mga time na may awards ako at naging topseller pa sa buong site. Bitter dahil hindi ko maibigay ang puso ko at isip sa work ko na bumuhay sa akin at sa aking family ng ilang years. Bitter dahil insecure ako sa mga kaibigan at mga kabatch ko na maganda na ang buhay sa kanilang mga career and it makes me depressed. God was so good to make me whole again to dream. Ang 1 month LOA ko sa IBEX, ang acceptance nila sa pagiging bipolar ko ang naging susi upang magtiwala akong muli sa aking kakayahan. I believe that I will make it to the top again like before. Mahirap pero magiging sulit ang lahat.
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
Non-FictionMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...