GOOD VIBES!

23 1 0
                                    

          Good vibes lang sa hamon ng buhay. Good vibes kapag pakiramdam mo hinahamon ka ng problem sa buhay personal, buhay work at pagtupad mo sa goals mo.  Good vibes kasi sa lahat ng pinagdaanan ko, andito pa ako sa Industry ng Call Center na patuloy na umaasam na matupad ang goals ko at mabigyan ng future na maayos ang mga anak ko. Ayaw ko silang matulad sa akin na naging pariwara at dumaan sa mga masasakit na pangyayari bago ma realize ang kahalagahan ng buhay. February 18 at 19 are so important for me. 2019 is an amazing year for me but full of challenges and learnings. February 18, lakas loob akong nag-open ng savings account na kailangan magmaintain ng 2,000 pesos para di mabawasan. Balak ko unti unti magtrain magipon para sa amin ng family ko. 2 beses akong nagfail sa pag-iipon ko sa bangko dahil masyado ako minsang galante o emotional spender. Nahihiya din akong sabihing wala akong pera kaya naman napipilitan akong magbawas sa ipon ko. Sa kabila ng 3rd try ko, positive ako na I will make it this time. Kailangan ko ng mas maging praktikal ngayon dahil I know how God blessed me sa pagkakaroon ka ng only son in my life. Tama na ang pagbalik sa nakaraan. Tama na ang 5 years ko sa industry na nilamon ako ng kawalan ng tiwala sa sarili at pag-isip sa sasabihin ng iba at dapat lagi akong okay. You cannot please everyone at natuto akong patawadin ang sarili ko sa mga naging mali ko at kasalanan. Nagawa ko ang mga tula na "May Ganda sa Pagpapatawad" at "Daig ng Masipag ang Magaling" dahil ito yung mga bagay na kailangan kong maimprove sa sarili ko to reach my financial, personal and most of all, spiritual goals this year. 

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon