REWARD YOURSELF

50 0 0
                                    

      "But as for you do, be strong and do not give up,  for your work will be rewarded". 2 Chronicles 15:7 Magpakatatag at huwag susuko dahil siguradong may gantimpala lahat ng paghihirap. Determinado na ko ngayon na mas pagsikapan ang mga pangarap ko. Dumaan sakin ang mabibigat na problema at sakit at sa awa ng Diyos, nalagpasan ko iyon. Binawasan ko na din magsalita at para sa akin ay more actions na lang. "Work hard in silence and make noise with your successes." Para sa akin, sa tagumpay mo, huwag mo kakalimutang pasalamatan ang sarili mo at ilibre ag sarili mo. Sa industry nating ito, naranasan ko na makapanalo ng Tablet dahil sa mga nabenta kong premium channels (drawing na Tablet na ang peg). Balak ko pa namang ipagamit sa mga anak ko iyon para maging libangan nila minsan. Isa iyon sa mga kinasama ng loob ko sa dati kong company dahil galing pa daw sa US iyon hanggat nagresign ako hindi ko na nakuha iyon, goodbye tablet. Hindi ako nag-iisa sa hindi magandang feedback sa company na madaming mali sa management (hindi ko na babanggitin ang pangalan as respect.) Sa kabila noon, almost a year ako nagstay sa company na ito at dito ako nagkaroon ng experience sa buhay tech support ng mas mahaba, financial account at billing explanation. Naniniwala ako na kapag hindi mo kinalimutan isatisfy ung sarili mo paminsan minsan, mas pagpapalain ka. Kung sakaling may dumating na blessings,uunahin ko magbigay sa simbahan. Patawarin ako ng Diyos na hindi ko magawa sa ngayon at sa kabila noon, pinagpapala niya pa din ako, what more kung nagbibigay na ko sa Kanya ng bukal sa puso ko. Irereward ko sa sarili ko yung mga bagay na alam kong mahalaga sa akin at para maging better akong tao at ina. I buy Omflit books. my ideal publishing company, I buy my personal needs at syempre sa pagkain din,hindi ba dahil may ulcer ako at bawal magpalipas ng gutom. I am on a diet kasi sa katawan ko pero balance lang sa pagkain. Hindi ako kumakain ng baboy except sa giniling with veggie o pag sinahog sa pancit.  Hindi masama na bigyan mo din ang sarili mo at I prefer to have vacation someday but with my family. May rare cases papayagan ko sarili ko na mag-isa at parang short time OFW ako noon. Sa totoo lang, in this industry, OFW ang peg natin mga ahente dahil tulog tayo sa umaga at gising tayo sa gabi. Ganun pa man, since last year, mas natutunan kong bigyan ng halaga ang sarili ko at nakatulong rin ang mga libro sa akin. Simula ng naging 25 years old ako, mas natutunan kong kahit na nagigipit, bigyang halaga ang sarili ko kasi nga para ganahan ding magtrabaho. 

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon