Andito ako sa stage na napakahirap lalo dahil may hidwaan kami ng tatay ko. As a respect, I prefer not to specify kung bakit pero ang tangi ko lang masasabi ay dahil sa custody ng panganay kong si Ashanti. Para sa akin bilang ina ng mga bata, gusto ko na makabawi sa mga anak ko. HIndi ko na iniisip yung sarili ko sa oras na ito pero iniisip ko sila at lalo na mga bata pa sila. Pakiramdam ko wala kong worth kapag nagagalit sakin ang parents ko pero I pray that someday I will make them proud. Ayoko magtanim ng sama ng loob lalo na at malapit na ko makabalik sa Sitel. Nag side by side ako at I opened my tools at namiss ko talagang magtake ng calls. Another prayer is that mafit to work na ko ng hindi ako mahirapan kasi mas madedepress ako kapag nawala sa akin ang Sitel. Siguro dahil sa aura ko na masayahin ay mukhang malakas din ako pero sa totoong lang ay mahina ako pagdating sa problem. NIlalabanan ko ang sakit na ito kahit na nakadagdag ng sobra ang kakulangan sa pinansiyal. Gusto ko na rin talagang makabalik sa work at buuin ang mga pangarap ko ulit. 3 weeks na akong wala sa Sitel at pakiramdam ko worthless ako. Maraming kakaibang symptoms ang sakit na bipolar pero kakayanin ko ito. Sa awa ng Diyos, mas nagiging maayos na ang lahat. Malaking bagay na lumalaban ka sa sakit na alam mong hindi forever na kakapit sayo. Andiyan ang mga taong umuunawa at nagmamahal sa akin at sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos na sa kabila ng mga nangyari, hindi nila ako iniwan. Family ko, kambal ko, mga anak ko na inaaliw ako, mga kaibigan ko at mga taong malapit sa puso ko. Most of all, si Lord at heto na "full of hope" na ang kasunod kong susulat na tula. Ito ay akma sa nararamdaman kong kawalan ng pag asa.

BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
Non-FictionMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...