Masakit ang ulo ko ngayong araw na ito at hindi ko alam kung ano ang dahilan. 3 araw pa at restday na ulit.Titiisin ko ang lahat ng pahirap makamit ko lang ang mga pangarap ko kasama ng aking pamilya. Why I joined Call Center at para saan ba ko bumabangon? Para saan ba talaga ang mga ginagawa ko na pagsisikap? Para saan ba ang pag-asa na mayroon ako araw araw?Nakakatuwa ang magagandang feedback ng mga GE (Global Expert) ko sa akin dahil nakakataba ng puso ang mga iyon. Marami ang nagbago sa tools ng Dish at tinulungan ako ni Lord na imbis na mathreaten ay maexcite na matuto at madisiplina. After 4 years of working, binigay na sa akin yung maturity na kailangan ko sa work at work ethics. Oo, hindi maiiwasan ang malate pero ung determination to excel everyday ay nararamdaman ko na kahit sa financial life ko,ramdam ko din. I am blessed na pagaling na ang anak ko si Ashanti na nabundol ng sasakyan nung December. Salamat kasi nalalagpasan ko lahat ng hirap sa tulong ni Lord kahit alam ko na hindi ako masyado nakapagfasting ng isang linggo. Marami pa Siyang gagawin na kabutihan sa work ko na alam ko na makakatulong para matupad ko ang mga pangarap ko. I want to make my parents proud kahit na marami akong nagawang kasalanan sa kanila. Gusto ko makabawi sa mga panahong lubog ako sa utang at sumasahod ako para magbayad. Sa taong ito, I learned to be stronger at more hopeful at nakagawa pa nga ako ng tula na "Full of Hope." Restday na namin bukas at next week ay afternoon shift. I am blessed na magagaling ang mga kasama ko na alam ko kapag hindi ko naiintindihan o maalala ay tutulungan nila ako. Bukod doon, gusto kong triplehin ang mga positibong bagay na mayroon ako para sa tagumpay.
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
NonfiksiMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...