FULL OF HOPE (5)

22 0 0
                                    


               "I am on the stage where I am reaping the fruit of my hardship and labor." 2018 is my year. Alam ko na ihehelp ako ni Lord na maibalance ang lahat ng dapat kong gawin this year na hindi ko nagawa for the last years of my life. Sabi ko nga start na ko magipon, mas alagaan ang sarili ko at huwag namang tipirin ang sarili kong happiness. 2 taon na din pala simula ng nakikipagbakbakan ako sa sakit at pagsubok ng buhay. Masaya ang puso ko nagawa ko ang tulang "Para sa Pangarap." HIndi naman ako nawalan ng pagsubok sa mga nangyayari sa akin pero mas naging matapang na ako. Puno pa din ang pag-asa ko na makakamit ko din ang pangarap ko na mapromote na ibibigay na lang ni Lord sa biglaang oras. For me, ganun Siya. All things are possible. Hindi pa din ayos ang profile ko sa work kaya sa ngayon tumutulong muna ako na masagot ang mga tanong ng mga kateammate ko. Narealize ko din na mahalaga na alam ko yung product at tools dahil tiwala sa akin ang mga leader ko. We just graduated from training at In House Coach ang tawag sakin ng trainer ko na pabiro lamang. Sa totoo lang kahit hindi pa totoo, naiimagine ko na yung sarili ko as a Coach or promoted someday. Ika nga hindi naman masama na mangarap at makita mo ang sarili mo na promoted in the future. Malaking help din ang pagbasa ko ng "30 days to manage your stress" at na sa Day 10 na ako. Pinagpala na din kami ng Sat Sun Off yun nga lang tanghali pa ang out at mainit ang panahon. Sa ngayon, masasabi ko na binigay na din ni Lord yung disiplina na kailangan ko. Hindi sapat ang potensiyal mo kung wala kang ugali. Proud ako sa work na ito dahil sa dinami dami ng pinagdaanan kong pagsubok, andito pa din ako at nangangarap. Dalangin kong maging inspiration ang mga pinagdaanan ko sa buhay para lumaban din ang iba kahit gaano kaimposible at kahirap ang pagdaanan mo, huwag kang susuko. Hindi ko pa din makalimutan ang naging buhay ko sa Sitel na tinuring kong dream company ko na inilaban ko hanggang dulo hanggat kinailangan kong magresign ako. Alam ko na makakamit ko din ang tagumpay basta magtiyaga lamang. "Always pray and never give up." Luke 18:1

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon