Wag mong isipin ang tingin ng iba na kaya ka nagcall center eh dahil sa gusto mo marami kang pera na kikitain. Nagkalat ang mga bonus,incentives,promo at iba pa. Nagtrabaho ka para alagaan ang sarili mo,tumulong sa pamilya mo,sa mga mahal mo sa buhay at sa mga nangangailangan. Sa totoo lang kahit nagwawalis ka lang sa kalsada,nagbebenta ng balot sa kalsada,nagbebenta ng tubig at anupaman,basta iyan ay marangal,ipagmalaki mo. Wag mong hayaang pabagsakin ka ng mga kabiguan na hindi mo nagamit ang pinagaralan mo sa trabaho mo. Ang mahalaga yung matulungan mo ang pamilya mo dalawang beses sa isang buwan. Kada sahod mo,nakakabili ka ng bigas at ulam para sa kanila. Sa kalagayan ko ngayon,kelangan kong budgetin ng mainam ang income ko at nagagawa ko naman sa awa ng Diyos. Dahil dalawa ang aking mga anak,kelangang pagkasyahin ko ang income ko at kelangan pati ang time ko. Mas mahalaga pa rin ang oras natin sa mga anak natin kesa sa sinasahod natin. Ang mga ginagawa mo para sa mga anak mo ay tatatak sa kanila hanggat sa paglaki nila. Sa tulad ko,kahit na marami kang bayarin kaibigan,maglaan ka ng allowance mo at reward mo sa sarili mo. Sa ngayon,naglalaan din ako sa personal needs ko,sa mga librong gusto ko bilihin,sa damit,sa buhok kong kelangan kong paayos at iba pa para mas mapaayos ang aking itsurang panglabas at pangloob. Kaibigan,kadamay mo ko. Pagmalaki nating call center agent tayo na me graveyard shift dahil hindi madali ang work natin. Para na din tayong na sa abroad,magkaibang oras at lagi tayong puyat. Ingatan mo ang iyong kalusugan.. Pagpalain tayo ng Diyos sa lahat ng oras at ingatan sa tuwing pagpasok natin ng delikadong oras.
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
Non-FictionMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...