THE TIME IS NOW! (2)

19 1 0
                                    


                Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon sa message ng TL ko na wala pa din akong log-ins at hindi pa activated. Tuloy ang pagstay ko sa bahay at pagdarasal sa aking work na may halong kaba.   "When things aren't working out as you wish, be patient. Stop trying to move ahead of God. His timing is perfect." Alam ko namang may timing si Lord na minsan ay hindi natin alam. It hurts to wait sometimes lalo na may baby ako at ako ang provider ng family ko. Patuloy akong nagpapasalamat sa mga kaibigan at taong helping me emotionally and financially kahit they also have struggles. Sa industry na ito, kelangan talaga ding marunong ka mag-manage ng finances mo. I can say starting na nagsama kami ng partner ko ulit last July 2018 after ng painful experience, nakasurvive kami kahit kapos minsan as God provides.  At the same time, trying to be positive, eventually, I will appreciate na naging mahaba din ang rest ko kahit mababa ang sahod ko sa ngayon. Katulad ng matenity leave ko ng 3 months starting October 20, nagkaroon ako ng sapat na oras para sa pamilya ko, para makarecover dahil operada (Cesaerian Delivery) ako sa bunso ko na si Abraham na mag 3 months na at malusog sa awa ng Diyos. Minsan may mga blessing in disguise na nangyayari sa work natin sa call center na mas nagpapatibay sa atin para tumagal. Tulad na lang ng hindi ko pagkaroon ng consolation award sa IBEX singing contest namin dahil manganganak na ako ng time na iyon but I am happy kateam at friend ko ang nag champion. Bukod doon, naisip ko ding wala namang perpekto na kompanya at mahalaga ang attitude mo sa lahat ng oras. Dapat maging positibo ka at maging handa na bumagsak pero babangon. Nakakatulong sa aking pagsusulat ang mga libro ni John Maxwell na binibili ko na galing Omflit Publishing na pupuntahan ko starting this February para magapply as a writer. Itutuloy ko ang pangarap ko na mas madami pa mainspire na tao sa buhay dito sa Call Center. Hindi ka nag-iisa na lulamaban. Handog ko ang tulang "Hindi Ka Nag-iisa" sa ating lahat. Laban lang at kapit sa pangarap. Mag 7 months na ko sa IBEX at I am more excited to stay more for the experiences and learnings na maibabahagi ko. 

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon