GOOD QUALITIES OF A CALL CENTER AGENT (2)

27 1 0
                                    


6.  CALM UNDER PRESSURE-  Alam ko nakakapressure minsan. Ang ginagawa ko kapag naiistress ay nagsusulat at kumakanta. I also pray na pagaanin ni Lord ang loob ko dahil paguwi ko kelangan kong alagaan ang mga anak ko. Pahalagahan mo ang mental health mo dahil it can affect your positivity. Kapag naging negative ka na, kalaunan, bibitaw ka sa work na pinaghirapan mo.


7. EFFECTIVE COMMUNICATION- Nung college ako nagkaroon ako ng training sa Sitel at nagimprove ako sa English Communication Skill ko dahil sa 5 years experiences ko. Bukod doon, mahilig ako magbasa at manood at ginagaya ko ang mga Amerikano paano magsalita. 


8. SPEED- "Slowly but surely." Iwasan maging "happy clicker" lalo na multitasking ang work natin. Tingin sa tools habang nakikinig kay customer.  Makakatulong ang araw araw na pagpasok mo at determinasyon na mapabilis matapos ang call at maghihintay na lang na maging good survey ang bigay ni customer. Makinig sa tips ng mentors at leaders para mag-improve ang AHT mo o Handled time mo sa calls mo.


Sa susunod naman ay "Pledge of a Customer Service" ang ibabahagi ko para magstay tayo ng mas matagal at masaya sa Call Center work natin. 

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon