Naranasan mo na bang magparaya o sumuko? Ako, maraming beses na. Ako ang nagresign at bumitaw sa Sutherland, Convergys at ngayon ay IBEX. Yes, I am a loser at failure sa tingin ng iba dahil hindi praktikal ang naging pasya ko. Pero ano bang mahalaga? Ang tingin nila o ang pamilya't pangarap ko. Oo may sakit ako na paiba iba ng pasya at mood. Tinutulungan ko ngayon ang sarili ko dahil unli chances ang hinahandog sa akin ni Lord. April 5 ng last time ako pumasok at nagtawag. Pagkatapos noon, na sa bahay na lamang ako at kung aalis ay kasama ko ang family ko. Sila ang buhay at happiness ko. Nagbago ang asawa ko at iniwan ang bisyo niya. Naglalakihan na ang mga anak ko at nabigyan ako ni Lord ng lalaking anak na si Abraham Jadeson. April 26,2019, nagpasya akong bumalik sa IBEX dala ang clearance form ko at pati na ang Affidavit of QuitClaim. Ito ay papeles na kailangan kong submit sa HR para di iawas ang salary loan ko sa makukuha kong backpay. Itong araw na ito ay nakakamangha dahil nalaman kong active employee pa din ako ng IBEX at naka LOA ako hanggang May 4. Pinag-iisipan ko ang mga hakbang ko kung paano mapapabuti ang sitwasyon. Bukas ay magsisimba kami ulit ng family ko upang magpasalamat sa Diyos. Will I let go and let God? I believe God saved my job dahil may purpose Siya. Ang IBEX ang company na nagbigay sa akin ng considerations na hindi ko naranasan in the past and I am thankful with that. Malalaman ko ang mga mangyayari next week. Will I still stay in IBEX?
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
Non-FictionMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...