"SALARY ISSUE"

1.1K 9 2
                                    


          Dati rati,pangarap ko talagang maging isang guro. Sabi ko kahit anong mangyari,magtuturo ako. Kaya nga nagsikap ako na makatapos ng pag aaral at makapasa ng board exam at nakapasa with the second take. Ngunit sa kasamaang palad,habang tumatagal nakikita ko na may mga gurong nagmamataas dahil lang sa teacher sila. May mga nananakit ng bata,nanghahamak ng tao,may mga nagmamayabang,me mga akala mo di mo na sila maabot dahil sa taas ng pinag aralan nila. Sabi ko sa sarili ko,ayoko maging katulad ng mga ito. Inabuso ang pagiging teacher para manghamak ng ibang tao. May isa akong taong hinahangaan talaga sa pagtuturo at iyun ay ang aking bestfriend. Isa siyang guro ngayon,nagmamasteral pero hindi mo makikitaan ng kayabangan. Simple at praktikal mamuhay kaya halos mahigit na anim na taon na kaming magkaibigan. Kahit may mga guro na talagang hindi tama ang pasahod sa kanila,doon pa din sila sa propesyon nila. May mga guro pa ngang napilitang mag abroad para lang mabuhay ang pamilya nila at hindi na nakapagasawa. Iba iba ang klase ng mga gurong makikilala mo. Doon ka sa mga gurong kahit kakarampot minsan ang matira sa kanila,de kalidad kung magturo,huwag doon sa mga gurong akala mo hindi mo na maaabot dahil sa laki ng ulo sa achievements nila. Di ko ginawa ito para magparinig ginawa ko to para matauhan ang iba na wag samantalahin ang propesyon niyo para lang maliitin ang mga iba na hindi katulad ng trabaho niyo.. Pasensya na pero ito ang paraan ko para sabihin ang sama ng loob ko. At sa Call Center, dapat pumili ka ng kompanyang bibigyan ka ng benefits at maayos magpasahod kahit hindi kalakihan. Pumili ka ng kompanyang hindi mahilig sa dispute sa sahod at aasikasuhin agad pag nagkulang yung sahod na pinaghirapan mo. "The wicked borrows but does not pay back. The righteous is generous and gives." (Psalms 37:21) Isang magandang gawain na magbayad ng mga hiniraman mo kahit madelay ka. Para sa akin, laging pagsubok ang magbudget ng sahod mo kasi kasama na sa bills ang debts. Let us get out of debts na makukuha sa tiyaga. Hindi kasi aasenso kapag ganoon lang ang style mo, bayad utang lang palagi, wala ng naipon. Maging wais din at magdasal na maging maayos ang pasahod ng work mo para hindi maapektuhan ang trabaho mo. 



I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon