Masarap magset ng goals dahil alam mo na kasama mo si Lord sa mga pangarap mo marating. Yesterday nasulit ang rd ko dahil we went to church complete. Hindi ko din inexxpect na mangyari iyon kaya natuwa din ako. Nakakalakad na ang panganay ko na nabundol na nagincrease ng hope ko sa pagpasok sa work araw araw. Umaapaw yung hope na binibigay ni Lord sa akin everyday. Umaapaw dahil nagkaroon ako ng pag-asa na makakamtan lahat ng goals ko for this year. May mahalaga akong naletgo sa personal kong buhay na kinakaya mo para sa pamilya ko at mga anak. 1 buwan na rin at may ubo at sipon pa din kaya sabik ako sa pahinga ngayon. Maganda naman ang takbo ng stats ko sa work na nagpapasaya sa akin. Gumaling din ako sa trangkaso sa loob ng tatlong araw na pahinga o restdays. Mabigat ang nararamdaman ko dahil sa panloloko ng dati kong kateam sa akin. GInamit niya ang pangalan ko sa home credit at blocked na ko sa facebook niya pagkaresign ko sa dati kong work. Nakakadepress na hinayaan ko siyang gamitin ako bilang kaibigan. Galit ang nararamdaman ko ngayon pero papakatatag lang. May niletgo akong personal happiness ko na kahit mabigat sa loob ko ay ginawa ko pa din. Gusto ko tumutok sa pamilya ko lalo na sa mga anak ko na maliliit pa. Madalas pa rin kami nagtatalo ng patner ko at tatay ng mga anak ko. Sa work naman with Spi, everyday thankful kasi pinagkatiwalaan nila ako maging part ng dati naming account. Kapag may team meeting, medyo bitin pa din kasi hindi ako napapasama sa top 5 at nahanay sa top 6 out of 10 kaya iniisip ko paano pa magimprove. Dapat araw araw para sa akin, nakikita ko yung pagimprove ko at mas maging committed na ako pumasok on time everyday. Mabait naman yung coach namin pero syempre hindi pa ko regular kaya naman hetong trangkaso ko ay nagpadehado pa sa work ko. Inaaral ko namang uminom ng vitamins at mas alagaan ang sarili ko para hindi na maulit pagkakasakit ko. Bumisita ako sa family ko kaya naman mas na good vibes ako at namimiss ko lang makasama yung kambal ko at humihirit libre ko siya ng sine.
BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
Non-FictionMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...