"Miracles happen." After ilang araw ng pag-iisip kung babalik pa ko sa IBEX kahit na na iprocess na ang clearance form ko. I chose to stay sa tulong na din ng HR sa pag counsel nila sa akin. Alam ko na gipit ang pamilya ko sa ngayon kaya sabi ko na lang "God provides." Kailangan ko ding i follow up ang fit to work ko from the Doctor at tama lang naman yun since dahil hindi maiiwasan ang mga irate customers. Malaki ang naging tulong ng 1 month kong pahinga dahil I had the best time and holy week with my family. Nakapagsimba kaming family nung Easter Sunday and nakapanood ng movies together. 3 companies na ang sinubukan kong aplayan sa inakala kong tuloy ng pagresign sa IBEX na minahal ko talagang company. Maayos naman ang naging 1 st week ko ng pagbalik after 1 month ng pahinga. Nag improve ang memory ko at understanding sa tools at process namin. Bukod doon, nalaman ko din ang techniques para mas maging maganda ang stats dahil nag side by side ako doon sa magaling kong kateam mate at friend din. I can say the 1 month rest, medicine and spiritual help were the factors kung bakit nag improve ako sa pagiging positive at enthusiast ulit sa trabaho at pangarap ko sa buhay. Naging transparent sa akin kung gaano kahirap ang buhay lalo na kapag wala kang work na inaasahan. I can say IBEX is my bread and butter being a breadwinner ng family ko. I am happy to say in a few weeks , makukuha ko na din ang health card ng mahal kong Mama na si Monica Ilarde na may sakit na hypertensive mild stroke. Ang kanyang magiging therapy ay libre at I can say na so far, IBEX is the best Call Center Company for me hindi man kalakihan ang sahod but I can see my future here. Next week, 10 months na ako sa IBEX at ang daming dumaang pagsubok pero andito pa din ako. I am proud and grateful sa understanding management at good facilities dito sa work ko.

BINABASA MO ANG
I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)
NonfiksiMalaki ang epekto ng Call Center Industry sa personal at career growth ko since 2013. Isa akong strong young mom and a great dreamer with my goals in life. Life is so short and I am looking forward to always see the beauty in this industry. I want t...