STRONG MUM (6)

30 1 2
                                    

          6 days before 1 month ng only son kong si Abraham Jadeson. I feel so thankful na nairaos ko siya ng maayos by Cesaerian Section. Pangatlong CS ko na ito sa mga anak ko at hindi ko maikailang nahirapan ako sa panganak ko sa anak kong lalaki. Ngayon, ilang weeks na lamang ay babalik na ko sa IBEX at sa totoo lang nakakaramdam ako ng excitement at talagang gusto ko bumawi sa aking trabaho para na din sa aking mga pangarap at pamilya. Dumating na ang oras na darating na ang Pasko at bagong taon ng 2018. Pagtapos ng  holidays, pakiramdam ko lalo akong tumaba sa mga nakain ko. Wala pa talaga ko plano mag-diet at di tulad noon, okay lang sa akin na mapansin na tumaba ako dahil bagong panganak lamang ako. Heto na, pagkatapos ng 52 days na pahinga na naibigay sakin simula ng nanganak ako kay Abraham,handa na ulit akong magpuyat at magtrabaho. Nagpapasalamat ako sa mga taong tumulong sa amin, sa pamilya ng asawa ko nung December 26 dahil nagkaayos na kami at nagkaroon ng bonding sa birthday ng kuya ng asawa ko. Masasabi kong naging matatag ako sa mga nagdaan dahil nagkaroon ako ng inspirasyon simula ng nagbuntis ako kay Abraham. I keep trusting God's will and myself sa mga pangarap na gustong matupad ngayong taon. Magtagal sa IBEX as my stable job kahit gaano kahirap at magkaroon ng well balanced life. Naniniwala ako na kahit gaano mo katagal hintayin na matupad ang iyong mga pangarap, it will always be worth the wait. I want to earn more by my own hardwork to give my family a better life. Starting next week, 2 days to go, magwowork na ko ulit para sa mga pangarap at pamilya. Lalaban para sa pangarap na alam kong matutupad ko dahil Call Center Agent ako.

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon