THE BB "Be the Best you"

32 0 0
                                    

        I am just patiently waiting for the upcoming achievements. Ang sarap sa pakiramdam na naabot ko na ang 7 months ko dito sa Sitel. Naging reseller ako ng cakes for 3 months na mapagmamalaki ko, and it came from "ChaelSweettooth." Ang sarap maging best sa pangarap mo kahit na may bad days kasi alam mong may kakahantungang maganda. Lumalaki na mga anak ko at alam ko when I want to be the best, kasama na dun ang sakripisyo. I am also praying na maging maayos kami ng Dad nila kahit as friends na lang. Aminado ako na mahal ko siya pero gusto ko siyang matuto sa buhay kaya humiwalay na ako. I am happy with what I have now lalo napapaligiran ako ng mga taong nakakaunawa sa akin. Nakakainspire lang na magtiyaga kasi malapit na ko matapos sa mga bayarin ko ng nagbukod pa kami dati at gusto ko din mag-ipon para sa mga anak ko at family. Nararanasan ko na ulit ang pagiging single mom ko, wala akong ideya kung paano ako nakarating sa stage na ito at akala ko forever na ko magtitiis sa partner ko.  May pagkaexcited din ako kasi sa darating ng awarding sa natapos na September fiscal ay maawardan ako. Yun yung maipopost ko sa facebook ko talaga and kahit 6 100 surveys lang un, masaya ako at hindi na ko nagkazero. I am looking forward na maging jolly at lively sa call dahil antukin ako dati sa calls ko dati.  Ang plano ko ay tumutok sa goal ko na mag 1st anniversary sa Sitel dahil iyon ang signal for a better life at mapromote ako. Matagal ko na ding pangarap na maging QA (Quality Analyst) o maging Trainer. Ramdam ko na ibibigay ni Lord itong dreams ko para sa perfect timing na handa ako. I still want to be my best kahit na hindi ko nakikita na makakabalik pa ko sa pagtuturo. Ganun pa man pagsisikapan ko na before 2018 at mag 27 years old ako ay maparenew ko na ang lisensya ko sa pagtuturo na ultimate dream ko din. Sa Manila pa ko pupunta noon kaya alam ko na dapat gawin ko iyon kapag restday ko. Nagpapasalamat ako kay Lord na pinatatag niya ko sa mga nagdaang pagsubok at masasabi ko na mas okay at mas may peace of mind ako ngayon. Hindi naman mawawala sa buhay yung gipit moments kahit siguro marami ka pang pinagkukunan. Mahalaga matatag ka sa mga pangarap mo. I can be the "best me" dahil pare pareho pa din yung mga taong sumusuporta sa akin at isama mo na ang pamilya ko. Binubuhay ako ng mga taong mahalaga sa akin, pagsusulat ko, pagbabasa at syempre mga anak kong magaganda. I am looking forward for more achievements this year. Gusto kong ibalik yung dati kong determinasyon sa buhay at kahit may times na hindi ko nakakasama mga anak ko, ginagawa ko ito para sa kanila. Time flies at one day naabot ko na yung goals ko at pasalamat ako kay Lord. "Never give up because great things take time." Hindi ako susuko hanggang magtagumpay.  

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon