STRONG MUM (4)

27 0 0
                                    

              Sobrang productive ng araw ko lalo na kapag may pera. Oo naman, hindi natin maikakaila na mahalaga ang budget sa isang pamilya. Sa hirap ng buhay ngayon, praktikal ang magwork sa Call Center kahit na sabihing mahirap at nakakaistress ang work. On my part, ganito pala kahirap ng nakamaternity leave ka. Wala ka ng inaasahang sahod twice every month. Na sa bahay lang ako at naghihintay na manganak kay Abraham Jadeson, my only son.  3 na ang anak ko at my age 27 dahil naging maaga akong ina at the age of 19. My children are Ashanti (7 years old) na Grade 2 na ngayon, Ashley (3 years old) at malapit na ding mag-aral at itong si Abraham na ipanganganak ko ngayong November. November 23 ang birthday ng Daddy niya at ramdam ko hindi magkakalayo ang mga birthday nila. Masaya ako na sa wakas nabiyayaan na din ako ng lalaking anak. Ang iniisip ko ay mairaos ang panganak ko sa aking only son at maging productive ang aking Maternity Leave. Iniisip ko din ang magiging future ko sa IBEX at kung paano ako maging matatag kahit na hindi kataasan ang sahod ko compare sa iba kong mga nakasama na nasa ibang kompanya na.  Masaya akong nairenew ko ang aking license sa pagtuturo at marami ang nagsasabing bumalik na ko sa pagtuturo. 5 years na ko sa Call Center next month at ilang kompanya na rin ang napagtrabahuhan ko at marami na din akong pinagdaanan na pagsubok. Ilang araw na lang ang binibilang ko at masisilayan ko na si Abraham pero sa mga susunod na buwan na agad ang iniisip ko. Iniisip ko yung mga bayarin namin at pagbalik ko sa work, stay strong lang ako lagi sa mga trial na ito. Nilalabanan ko ang depression na nararamdaman ko minsan at nagpapakapositibo sa buhay. Unti unti kong tinuturuan yung sarili kong tanggapin ang nakaraan ko,makalimot at tuluyang magpatawad sa mga taong nanakit ng loob ko at patuloy na nahuhusgahan sa mga bagay na hindi naman talaga totoo. I also learned na mas ivalue yung mga taong laging andiyan para sa akin sa lahat ng oras, ang pamilya ko at mga iilang totoong kaibigan ko. BIlang mental health advocate, hindi naging hadlang ang naging sakit ko noong 2017 upang sumuko ako sa aking mga pangarap. Na diagnose man akong may sakit dahil sa panic attacks at seizures ko, heto ang nagiging inspirasyon ko upang mas patunayan  na kayang magtagumpay ng kahit sino huwag lang sukuan ang buhay at hindi ko kinailangan ng gamot upang gumaling. Ang sulatin ko ang patunay na kung kinaya ko ay kakayanin din ng iba. Ang bestfriend ko ay dumadaan sa postpartum depression dahil mag 4 months pa lang ang panganay niyang babae at nagresign na muna siya sa Convergys at balak mag work next year sa ibang kompanya.

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon