GO. GLOW. GROW!!!!!

107 0 0
                                    

                       Go, glow and grow are basic group of foods. For me, dahil sa work na to, iba ang kahulugan ko sa tatlong grupong it. Go dahil kahit ano mang hamon sa trabahong Call Center, go ka pa din sa goals mo o pangarap. Glow dahil etong trabahong ito ay nagbibigay sayo ng tiwala sa sarili na kaya mong humawak ng mahihirap na bagay at lutasin ito. Paano ko nasabi? Masasabi ko na interesado ako sa account ko ngayon dahil nagpapaliwanag ako ng charges sa bill. Sa lahat ng account na nahandle ko, isang blessing na humawak ng TelCommunication na pinakamalaki sa America. Natuwa ako sa isa kong ka agent na napansin mukhang tenure o matagal na ko the way makipag usap sa customer. Before Comcast, I handled Dish account as billing and technical support. Yun siguro ang naging edge ko sa ngayon. Mahirap na masaya lalo na kung naaantok ka, nababagot ka o kung natatamad ka. Kelangan mo ding ikundisyon ang pag-iisip at ang katawan mo lalo na pag naaantok ako. gumagalaw galaw ako para magising ang diwa at para not "following the light." I can say that my current work will make me grow. Hugot na hugot ang emosyon ng mga customer kasi nga naman hindi lang ang Comcast ang binabayaran nila. Sa totoo lang kapag may trabaho ka. magandang wag mong isipin para kumita lang. Ako bilang ina at nakabukod ay gumagawa ng paraan wag lang iyun ang ikonsider ko para magwork maigi.  "Experience shared", yan ang tema ng company ko ngayon na Sitel. Eto na ung second chance na binigay sakin ni Lord para patunayan ko ang potensiyal ko sa industry na ito. Pagkatapos ko magkolehiyo, I learned many things including to be a mother to my kids. Now,  di ko tinitignan ang sarili ko sa mga pagkukulang o di ko pa kayang gawin dahil base sa binabasa ko na "Be Your Own Besftriend" na libro na gawa ng isang Psychologist,  para magkaroon ka ng tiwala sa sarili mo, lagi mo ipaalala sa sarili mo yung magagandang bagay na nag grow ka wag sa mga bagay na nadapa ka. Lagi mo isiping may pag-asa, magdasal at ang problema ay lagi lang andiyan. Mahalaga kung paano ka mag-isip sa problema. Natuwa ako nalaman ko na ang regular team ko at nakilala ko na magiging Coach ko. Ang alam ko lang araw- araw sa trabaho, mas gusto kong matuto para kapag kelangan ng tulong ng mga ka- agent ko masasagot ko sila. Go para sa goal. Glow dahil sa mga natututunan mo araw-araw. Grow at wag magkaroon ng mga pangarap. Ayan ang mga dapat mong isapuso at isaisip so all of us will survive in the industry. Mag 3 years na ko sa December na malayo pa nagwowork sa Call Center at alam ko may dahilan bakit tumagal ako ng ganito at malalaman ko din iyon.

I SALUTE CALL CENTER AGENTS (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon