Steven's POV
Narating ko ang Fountain na sinasabi sa sulat. Eto ang Fountain na matatagpuan sa plaza ng bayan ng Ternate. Pero hindi ito nagbubuga nang tubig dahil sa binubuksan lamang ito tuwing buwan ng Nobyembre hanggang Enero.
Nakit ko sa kabilang parte ng fountain ang isang babae. Mahaba ang itim nitong buhok na abot hanggang siko niya, nakasuot siya parang isang sekreterya, nakasalimin, at sa tantya ko nasa bandang 20's ang edad niya. Pero ang mas nakakakaba ay sobrang ganda niyang babae.
Nilapitan ko siya pero bago yon ay nag ipon muna ako ng sapat na lakas ng loob dahil hindi ako sanay na makipag usap sa isang stranger na babae lalo na at maganda pa tulad niya.
"Ahmm... Ate ikaw po ba ang nagpadala nang sulat na ito?" Tanong ko sa kanya.
Hinanap niya muna kung saan yung nagtatanong sa kanya. Nang makita na niya ako ay iniabot ko sa kanya ang sulat at binasa niya ito.
"Oo ako nga. So ikaw pala ang nakatanggap nang sulat ko?" Tanong niya. Bakas sa boses niya ang pagiging edukado.
"Opo. Ako nga."
Inabot niya ang kanang kamay niya. Tinanggap ko naman ito at nakipag kamay ako sa kanya.
"I'm Hera Samson. Nice to meet you. Ikaw ano ang pangalan mo?"
"Ako nga pala si Steven Mendez."
Nag-iisip pa rin ako tungkol sa sulat kaya nang maghiwalay ang kamay namin ay naisip ko na magtanong sa kanya.
"Matanong ko lang po. Ano ang ibig mo sabihin na babaguhin ang kinabukasan ko?"
"Sasagutin kita. Pero wag tayo dito mag usap."
"Dito na. Hindi po ako nakapag saing para lang puntahan ka dito."
"Hehehe. Ganon ba? O sige dito nalang tutal tayo lang naman ang tao dito ehh."
At nagsimula na siyang magpaliwanang...
"Galing ako sa sikretong organisasyon na tinatawag na Mythologia Organization. Ang layunin ng grupo namin ay maghanap ng mga karapat dapat na kabataan upang bigyan sila nang pagkakataon na baguhin ang kinabukasan nila."
"At isa ako sa mga napili?"
"Oo. Binabago namin ang kinabukasan ng mga maswerteng mapipili ng grupo namin. At isa ka sa mga maswerteng iyon."
Bigla akong nagkaroon nang pag-asa ng marinig ko ang layunin ng grupo nila. Marami pa siyang siyang sinabi pero hindi ko na naintindihan dahil sa sobrang tuwa na bumabalot sa akin. Naiisip ko ang mga mangyayari. Pero naputol ang pagpapantasya ko ng sabihin niya na...
"Pero hindi ganoon kadali na makapasa sa pagsubok na ibibigay namin sa iyo."
"Teka? Diba sabi mo tutulungan nyo ako?"
"Oo. Pero kaylangan mo makapasa sa pagsubok or let's say kaylangan nyo makapasa sa pagsubok upang mapatunayan nyo na karapat dapat kayo na tulungan namin."
"Nyo? Teka may kasama ako?"
"Yup! Kaylangan magsama ka nang tatlong ka miyembro na katulad din ng kapalaran mo ngayon."
"Kaylangan makapasa kami sa pagsubok?"
"Oo. Ang kulit mo rin noh?"
"Ano ba ang mga pagsubok na yan?"
"Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo ngayon."
"Bakit?"
"Kaylangan kumpleto kayong apat."
"Ako ba ang mamimili ng mga kasama ko?"
"Oo. Pero dapat ang mga pipiliin mo ay Matalino, Physicall fit, at Online gamer. Ganyan dapat ang mga kasama na pipiliin mo dahil yan ang pinili nang organization."
"Wew. Ang hirap."
"Hindi ka naman mapipili kung hindi mo kaya. Di mo ba alam matagal ka nang binabantayan at sa panahong iyon napatunayan nila na may potensyal ka. Bukas 1 PM. Pumunta kayo dito sa Plaza. Maghihintay ulit ako."
"Nakakatakot naman ang Organization na yan!"
"Wag ka mag alala. Hindi nila ipagkakalat ang sikreto mo. Oh kaylangan ko na umalis. Sige paalam na."
"Sige ingat!"
At umalis na siya. Naiwan ako na nag iisip.
Napangiti ako dahil naiisip ko na agad kung sino ang mga isasama ko. Tugmang tugma sa kanila ang mga katangian na binigay ni Hera.
Dali dali na akong umuwi na may ngiti sa dibdib. Pero bumungad sa akin si mama na galit na galit at may hawak na kalderong walang laman.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AbenteuerSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...