Chapter 10

56 9 0
                                    

Hayaan nyo na ipaliwanag ko sa inyo kung ano ang Mythologia Organization at ano ang layunin nila.

Nabuo ang Mythologia Organization noong 1998. Binubuo ang organisasyon ng dalawawpung kumpanya mula sa loob at labas ng bansa na may layuning baguhin ang Pilipinas. At ginagawa nila ito sa pamamagitan ng paghahanap ng mga katangitangi na mga kabataang Pilipino upang baguhin ang buhay nila.

Sobrang metikoloso ang pagpili nila. Nagsisimula sila sa pagsisiyasat sa araw araw na buhay ng mga posibleng kalahok. At pag nakita nila na ang kalahok ay may Talino, Tiyaga, Lakas, Determinasyon, Pangarap, Moralidad, Mabuting asal, Ambisyon, at pag may mga kaibigan siyang may katulad na katangian ay saka laman nila kukunin ang napili upang ipaalam ang dapat gawin.

Pinipili rin nila ang mga katangian na dapat hanapin ng kalahok sa pagpili ng tatlong makakasama sa hamon. Sa gayon ay maiiwasan ang pagpili ng mga kasama na di angkop sa hamon.

Ang main building ng Mythologia Organization ay matatagpuan sa Makati City. Pero meron silang higit kumulang 500 Branches sa iba't ibang panig ng mundo. At ang Branch ay pipili ng isang kalahok sa lalawigan na sakop nila.

THE SYSTEM

Ang napiling kalahok ay kaylangang gumawa ng team na may bilang na apat na miyembro (kasama ang napili). At kaylangan nilang kalabanin ang mga Orb holders. Sa oras na matalo ang kahit isa sa kanila ay talo na ang grupo nila.

Ang mga Orb Holders ay pinipili rin depende sa mastery ng mga miyembro ng kalahok. For Example: May isang miyembro na magaling sa chess at dahil doon ay isang chess master ang itatapat sa kanya. Sa kaso naman ng mga Team sports gaya ng basketball. Pinapayagan na gumawa ang isang Orb Seeker ng sarili niyang team na hiwalay sa team na kinabibilangan niya at ang Orb Holders ay gagawa rin ng sarili niyang team.

Hindi magiging madali para sa mga Orb Seekers na manalo dahil may reward din na matatanggap ang mga Orb Holders na mananalo kaya kaylangan nilang gawin ang lahat ng kaya nila upang manalo dahil ganoon rin ang gagawin ng makakalaban nila.

Hindi pwedeng mandaya ang parehong Orb Seeker at Orb Holders. Sa oras na mahuli sila ay disqualified na sila sa laro.

Kung di makukuha ng mga Orb Seeker ang lahat ng Orb ay talo na sila. Pero ang Orb Holder na magagawang manalo ay makakakuha ng gantimpala. Minsan ang mga Napipiling Orb Holder ay mga dating Orb Seeker at minsan naman ay mga grandmaster ang nilalaban nila.

HISTORY

Nagsimula ang unang event ng Mythologia Organization noong 1999. Ang susunod na event ay ginaganap after 6 years. Ang mga sumunod ay ginanap noong 2004 at 2009. at Ang latest ay ngayong 2015. Meron ng tatlong henerasyon ng mga Orb Seekers at pwede na ang ilan sa kanila ay nanalo.

ABOUT ORBS

Ang mga Orbs ay walang taglay na kahit anong kapangyarihan. Ang orb ay gawa sa mamahalong brilyante at ito ang magsisilbing katibayan ng mga Orb Seekers na nanalo sila sa mga laban.

END OF EXPLANATION

Ilan lang yan sa mga inpormasyon tungkol sa Mythologia Organization. Ang pagtuunan nalang natin ng pansin ay ang mga pagsubok na haharapin ng mga Orb Seekers at kung may ibang bagay man na lalabas tungkol sa Mythologia Organization ay...

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon