Jannell's POV
"Nasaan na kasi yung dalawang kumag na iyon? Tanong ko kay Ate Hera na sinundan ko naman ng isang matagal na hikab. Nasa kwarto ko kaming tatlo ni Ate Hera at Cynthia at napaka boring dahil wala ang dalawang pinaka maloko sa amin. Di rin naman namin makausap si Cynthia dahil sa seryoso ito sa pag-aaral. Nag low battery nalang ang Cellphone ko dahil sa kalalalaro ng kung ano ano.
"Sinong kumag ba ang tinutukoy mo?" Tanong sa akin ni Ate Hera.
Nilapag ko ang smart phone sa sa katabing mesa dahil sa nag shut down na ito. Binagsat ko ang sarili ko sa aking malambot na kama kung saan nakaupo si Ate Hera at nagbabasa ng mga magazine.
"Sila Steven at Bryan. Wala ba silang sinabi na hindi sila pupunta dito ngayon?" Balik ko na tanong kay Ate Hera. Kung iisipin ay nagpapalitan lang kami ng tanong.
"Nakalimutan ko nga pala sabihin na nangunguha sila ng kung ano sa dagat. Nakita ko kasi may dala silang Lambat at gulok."
"Aw! Bakit di sila nagsabi sa atin!? Ate Hera naman ohh!" Pagtatampo ko.
"Bakit? Ano ba meron?"
"Panigurado kasi na sa kamandag sila pupunta."
"Kamandag!? Pffttt!!! Hahahahah!"
"Teka Ate Hera? Anong nangyari sa iyo?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Grabe kasi ang pagtawa niya. Para bang nagsabi ako ng joke. Tumigil na siya sa katatawa.
"Hehe. Sorry. Natawa kasi ako doon sa pangalan ng lugar."
"Nagtaka ka pa doon? Meron nga lugar sa Pilipinas na ang pangalan ay SEXMOAN ehh! Grabe ka Ate Hera. Nasa loob lang pala ang kulo mo tapos ang babaw pa ng kaligayahan mo! Haha!"
Nagtawanan kami ni Ate Hera pero saglit lang dahil biglang umangal si Cynthia at pinatahimik kami. Humingi kami ng tawad at sinabihan ko si Ate Hera na hinaan ang boses niya.
"So ano naman kung nalaman mo na nasa Kamandag *ngisi* sila ngayon?"
"Hindi pa kasi ako nakakapunta doon. Pero sabi nila ay maganda ang lugar na iyon kaya gusto ko sanang mapuntahan."
"Darating rin siguro ang panahon na iyan. Ang isipin nyo muna ngayon ay paano nyo matutulungan si Cynthia."
Tumingin kami kay Cynthia na sobrang seryoso sa kung ano man ang binabasa niya sa Internet.
"May punto ka Ate Hera. At sigurado ako na magiging pabigat lang ako sa pangangahoy at pangunguha nila ng clams. Teka may naiisip ka ba kung paano kami makakatulong sa kanya?"
"Ewan ko. At obligasyon nyo yan. Bawal ako tumulong sa mga Seeker pagdating sa tournament. Pero napaka seryoso pala talaga niyang si Cynthia."
"Ganyan talaga siya kahit noong nasa high school pa kami. Ayaw niya na naiistorbo siya pag nag-aaral kaya madalas siya mag-isa pag malapit na ang mga exams namin."
"Kaya pala... Nagsasaya pa ba siya?"
"Oo naman. Pero mas naka focus siya sa pag aaral kaya naman minsan lang siya mag saya lalo na kung makakasama sa pag-aaral niya."
"Hindi na ako magtataka kung magiging maganda ang laban nila ni Claire."
Natuwa ako sa sinabi ni Ate Hera. Pero hindi pa rin nawawala sa akin ang pangamba na baka di kayanin ni Cynthia si Ate Claire. Naisipan ko na palitan ang topic.
"Ahmm... Ate Hera napapaisip ako sa iyo ehhh. Pwede ba magtanong?"
"Ok. Ano ba ang tanong mo?"
"Wag ka sana magagalit pero may something ba kayo ni Mr. Carissma?"
"What!? Pfttt!! HAHAHHAH!!!"
Tumawa ulit si Ate Hera kaya sinenyasan ko siya na tumahimik at baka maistorbo ulit si Cynthia.
"Sorry. Ikaw kasi ehh... Pinapatawa mo ako! Bakit mo kasi naisip na ganun kami ni Mr. Carissma?"
"Ang sweet nyo kasi ehh. May relasyon ba kayo?"
"Ano ka ba naman Jannell. Siyempre meron."
"What!?"
"Hoy tumigil ka! Kung ano na ang naiisip mo at ang ingay mo na."
"Nakakagulat ka naman kasi Ate Hera. Ano ba ang relasyon nyo?"
"Oo pero siya ang Tito ko. At siya ang pinaka close ko na Tito kaya naman grabe siya kung lambingin ako."
"Ibig sabihin siya ang nagbigay sa iyo ng pwestong Secretary?"
"Oo. Pero pansamantala lang iyon. Aalis din ako sa Mythologia Organization pag natapos na ang kontrata ko at pag napatunayan ko na kay Tito na kaya ko ng mabuhay mag-isa."
"Ahh... Kaya pala. Pareho pala kayo ni Cynthia ng pananaw."
"Ganoon talaga. Mahirap kasi na umaasa ka sa tulong ng iba. Sa panahon ngayon, mas maganda na tumayo ka sa sarili mong mga paa. Kung aasa ka sa ibang tao ay sigurado na mawawala ang kumpyansa mo sa sarili."
Nainspire ako sa sinabi niya. Pero bigla akong nalungkot ng maalala ko ang Ate ko. Naalalak ko kasi ang sinabi niya tungkol sa kompyansa sa sarili.
"Teka Ate Hera. Anong oras na?"
"3:50 PM" Sagot niya habang nakatingin sa relo.
"Sigurado ako na nakauwi na sila Bryan at Steven. Sana naman dumaan sila dito pagkatapos nila maligo."
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...