Season two teaser

28 3 0
                                    

Bryan's POV

"Sa wakas Bryan. Tapos na ang pagbubuhat natin."

"Oo nga eh. Sa sobrang dami ng binuhat natin, inabot na tayo ng gabi."

Pauwi na kami ni Steven galing sa palengke. Nag part time job kami bilang kargador ng mga sako ng bigas. Sa sobrang dami ay inabot na kami ng 9:00 PM bago matapos.

Dahil sa nakikipag usap ako kay Steven ay hindi ko napansin ang kasalubong ko at nagkabungguan kami ng balikat.

"Ay Sorry! Hin-"

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil sa naglalakad na tao palayo. Nakasuot siya ng manipis at itim na hooded jacket at nakatabon ang hood sa kanyang ulo. Nasa loob ng bulsa ng jacket ang mga kamay niya pero ang mas umagaw ng atensyon ko ay ang mahabang lalagyan na nakasabit sa kanyang balikat. Lalagyan eto ng mga Arnis Stick.

"Sino ba iyon?"

"Ewan ko Steven."

Nakaramdam ako ng kakaiba habang nakatingin sa kanya, At malakas ang pakiramdam ko na magkikita ulit kami balang araw.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon