Esteban's POV
"Aling Sol. Gising na ho ba si Ma'am Claire?"
"Hindi pa nga po Sir Esteban eh. Nag-aalala na po ako para kay Ma'am Claire."
"Wag ho kayo mag-alala. Sinabi na rin naman ng doktor na nagpapahinga lang siya. Kahit hindi siya nakapasok ay pinaliwanag naman niya na sobrang napagod lang si Ma'am Claire."
Pero kahit ako ay nag-aalala na ng husto.
Dalawang araw na siyang tulog at kaylangan naming sundin ang utos niya na wag kaming pumasok sa loob ng kanyang kwarto hanggat hindi niya sinasabi.
Kaya para makapaglibang at mabawasan ang matinding kaba ko ay naisipan ko na pumunta muna sa library upang makapagbasa. Kaso ilang minuto na ang naubos ko sa paghahanap pa lang ng libro. Hindi rin naman ako makapili dahil sa nasa isip ko pa rin si Claire. Kaya nagpasya na lang ako na linisin ang buong library.
Narating ko ang lamesa kung saan nagsusulat si Claire. May disenyo ito at may mga nakukit na mga simbolo ng isang tribo sa Pilipinas. Magulo ito at nakakakalat ang ibang gamit kaya nilinisan ko rin ito.
Habang naglilinis ay napansin ko ang isang maliit na asul na notebook na nadadaganan ng pencil case na may design ng babaeng may mahabang asul na twin ponytail. Kinuha ko ito at tiningnan ang laman. Isang pahina lang ang may sulat dito.
Tiningnan ko ang nakasulat sa unang pahina at nabasa ko dito ang apat na pangalan at sa ibaba ng bawat pangalan ay may mga Cellphone Number.
Dahil sa matinding curiosity ay naisipan ko na tawagan ang si Spade. Ang pangalan na unang nakasulat. Inabot muna ng ilang segundo bago may sumagot sa kabilang linya.
"Hello. Rialdo residence. Sila sila?" Panimula ng lalake na nasa kabilang linya.
"Ahmm... Ako si Esteban. Butler ni Ms. Claire Chealsie Malteza."
"Esteban? Claire Chealsie? Hindi ko kayo kilala. Bakit kayo napatawag?"
"Gusto ko sanang itanong ang koneksyon nyong apat sa amo ko."
"Tatlo? Sinong yung dalawa?"
"Si Jenny at Sophia." Sagot ko sa tanong niya. Dahil doon ay tumahimik siya ng ilang segundo.
Naghintay pa ako. Hanggang sa makarinig ako ng boses ng isang babae.
"Sino yang kausap mo hon?" Tanong ng babae sa kabilang linya na posibleng kasintahan niya.
"M-messege mo sa Facebook yung picture ng amo mo."
"Bakit parang nagulat ka ata?"
"Mamaya ko na ipapaliwanag. Basta send mo nalang. Spade Rialdo ang pangalan ko at ako yung lalakeng naka salamin sa mata. Yun ang profile picture ko."
"Sige."
Kaya bunuksan ko ang Facebook ko sa aking smart phone at hinanap ko ang account niya. Madali ko naman itong nakita dahil na rin sa sinabi niya. Nag send ako ng stolen shot na litrato ni Claire.
Dahil sa minsan lang naman magpakuha ng litrato si Claire ay palihim ko siyang kinukuhaan. Pero may respeto ako sa kanya at kahit kaylan ay hindi ko siya binastos. Hindi lang pala respeto. Mahal ko na si Claire.
Mahal na mahal ko siya.
Nagsimula akong mabighani sa kanya noong unang makita ko siya sa parke na iyon. Habang tumatagal ay mas lalo pa nahuhulog ang loob ko sa kanya at nalaman ko nalang na palihim ko na pala siyang kinukuhaan ng litrato. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko ay sa kanya lang ako natutunan ang mga ganito. Nirespeto at minahal ko siya. Dahil dito ay mas lalo ko pa pinagigihan na kilalanin siya ng husto.
Hanggang sa makakita ako ng mga clue sa nakaraan niya noong laban niya kay Cynthia. Labis akong nasaktan. Kaya gusto ko gawin ang lahat para lang matulungan si Claire pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Kung di ako mag-iisip ay iisipin niya na kinaaawaan ko siya na ayaw niyang ginagawa sa kanya. Hindi ko magawang sabihin ang tunay na nararamdaman ko dahil sa mga posibleng mangyari.
Biglang nag ring ang aking Smart phone at sinagot ko ang tumatawag na si Spade.
"Magkita tayo sa harap ng SW Trece mamayang ala una ng hapon. Maghihintay ako doon at doon ko na rin ipapaliwanag ang lahat."
Sinunod ko siya dahi lsa gusto ko talaga malaman ang lahat lahat tungkol kay Claire. Nakarating ako sa SW Trece at agad ko siyang nakilala dahil sa suot niyang salamin. Nakasuot siya ng puting t-shirt at maong short. Niyaya niya ako as isang coffee shop sa loob ng SW.
At doon ay nag kwento siya. Sinabi niya ang koneksyon nilang tatlo kay Claire, Buhay, nakaraan, at mga kasawian ni Claire na ilang taon ko na rin hinahanap at itinago sa akin. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko at gumugulo sa akin. Galit, awa, lungkot, at pagmamahal. Lahat ng iyan ay nararamdaman ko ngayon.
"Esteban. Kalma lang." Napansin niya na yuping yupi na ang hawak ko na plastic na walang laman. Umapaw ang kaunting laman nito at tumulo sa lamesa.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...