Claire's POV
'Kaya imbis na laitin ang bawat kapintasan ng mga Pilipino ay bakit hindi nalang natin sila gabayan?'
Napapaisip ako dahil sa sinabi ni Cynthia. Hindi ko alam kung may kakayahan akong gabayan ang mga Pilipino at kung may pag-asa na sumunod sila.
Pauwi na kami ni Esteban. Siya ang nagmamaneho ng kotse at ako naman ay nakaupo sa tabi niya. Tinitingnan ko ang mga puno na madadaanan ng aming sasakyan.
'Nakilala mo na ang mga tao na tutulong sa iyo.'
Mapait akong ngumiti dahil sa sinabi ni Iyam bago siya umalis. Masaya ako dahil nakilala ko na ang taong na nagmamahal sa akin at ang mas nakakagulat ay matagal ko na pala siyang kasama pero malungkot ako dahil nawala na si Iyam na naging karamay ko noong mga nagdaang taon.
"Claire? May problema ba?" Tanong sa akin ni Esteban habang patuloy na nagmamaneho.
"Ok lang ako Esteban. Wag mo ako alalahanin."
"Para kasing ang lalim ng iniisip mo kanina pa. May kinalaman ba iyan sa mga sinabi sa iyo ni Cynthia?"
"Sabihin na natin na ganoon na nga."
"Claire. May gusto sana akong itanong sa iyo."
"Ano iyon Esteban?"
"Ano masasabi mo doon sa kapatid mo? Ang humahawak sa tunay na pangalan mo ngayon?"
Hindi ako makasagot dahil sa tanong niya. Nabigla ako.
"Bakit hindi ka makasagot? May nakatanim pa rin ba na galit sa puso mo?"
"Hindi naman sa ganoon pero-"
"Alam mo Claire. Wala siyang kasalanan. Hindi naman tama na isisi mo sa kanya ang lahat ng kasawian mo."
"Pero siya ang kumuha ng buhay ko."
"Tulad nga ng sinabi ko kanina. Wala siyang kasalanan. Sure ako ng mga panahon na iyon ay wala pa siyang alam sa mga nangyayari. Isipin mo maigi Claire."
Noong bata pa ako ay matindi ang galit ko kay Trecia. Iniisip ko na siya ang dahilan kung bakit puro kasawian ang mga nangyari sa akin. Humantong pa sa gusto ko na siyang patayin. Nadala ko ang galit na iyon hanggang sa pagtanda pero dahil sa sinabi sa akin ni Esteban. Napagtanto ko na isang napakalaking kahibangan ang galit na dinala ko. Wala siyang kasalanan. Nadamay lang siya sa kwento ng aking buhay.
"Ano Claire? Gusto mo ba siyang makita ulit?"
Napaisip ako ulit. Bigla ko nalang siya na miss at sabik na sabik na akong makita ulit siya. Gusto ko siyang yakapin at iparamdam sa kanya na meron siyang ate. Na nagmamahal sa kanya.
"Oo Esteban. Kaso hindi ko alam kung saan siya nakatira o kung ano na ang itsura niya ngayon. Hindi ko na alam kung saan magsisimula."
Biglang nag ring ang cellphone ni Esteban. Sinagot niya eto via microphone at earplugs kaya nakakapagmaneho pa siya ng maayos gamit ang dalawang kamay.
"Papunta na kami diyan. Oo kasama ko si Ma'am."
May kausap siya at base sa usapan nila ay hula ko sila Aling Sol ang kausap niya sa kabilang linya.
Binababa na niya ang tawag. Tumingin siya sa akin pero saglit lang dahil mas mahalaga ang kaligtasan namin. Puro bangin pa naman sa gilid ng kalsada.
Nakarating kami sa bahay. Ipinarada ni Esteban ang kotse at sabay kami na naglakad papunta sa harap ng pinto.
"Claire?"
"Bakit Esteban?"
"Naaalala mo yung sinabi ko sa iyo kagabi?"
"Alin doon? Yung sinabi mo na mahal mo ako? Oo mahal din kita Esteban.?"
"Hindi yun! Yung sinabi ko na pinutol mo dahil sa bigla mo nalang ako hinalikan."
""Ahh. Yung sasabihin mo sana na gagawin mo ang lahat para tulungan ako?"
"Oo yan nga. Nangako ako sa iyo at gagawin ko ang lahat para sa iyo."
Narating na namin ang harap ng pinto. Agad niya na hinawakan ang dalawang handle na nasa dalawang pinto.
"At Claire. Ngayon ko na sisimulan ang pangako ko sa iyo."
Binuksan niya ang pinto ng dahan dahan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga nakita ko. Kahit ilang taon na ang lumipas ay nakikilala ko pa rin sila Spade, Jenny, at Sophia. Masaya silang naguusap-usap pero mas napukaw ang antensyon ko sa isang babae na kanina pa nakatingin sa akin at tahimik na lumuluha. Simple lang ang suot niya at ponytail ang kanyanng hair style. Sa hula ko ay magkasing edad lang kami. Kahit hindi ko siya makilala sa itsura ay nakakadama ako ng matinding lukso ng dugo at kasiyahan sa aking puso.
"Paalam Claire. Tapos na ang misyon ko." Narinig ko ang boses ni Iyam sa isipan ko.
Bago pa ako mapansin nila Spade ay dahan dahan ng lumalapit sa akin si Trecia. Ngumiti ako sa kanya.
"Ate. Sa wakas at nahanap na kita."
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
PertualanganSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...