Chapter 12

44 9 0
                                    

?'s POV

"Sa tingin mo dadating sila?" tanong ko sa aking butler na nasa likod ko at nakatayo. Nasa harap lang kami ng isang 18ft na glass window at malayang nakatingin sa malawak na kagubatan ng Opir. Ang pangalan ng lugar na pansamantala ko tutuluyan.

"Sigurado po ako ma'am na darating sila ayon na rin sa sinabi ng Mythologia Organization. Baka sa mga sandaling ito ay nasa biyahe na sila."

"Ganoon ba? Oh sige maghinhintay nalang ako sa kanila. Dalhan mo nalang ako ng maiinom na tsokolate at isang slice ng cake."

"Masusunod po ma'am."

Umalis na ang butler ko upang gawin ang aking mga inutos. Napatingin ako sa langit. Mapait akong ngumiti dahil sa mga mapait na bagay na naisip ko.

"Sayang talaga. Sayang." Nasabi ko nalang sa sarili ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik na ang butler ko na may dalang tray kung saan nakalagay lahat ng mga pinakuha ko. Ceramic na baso at takore, kutsara, at platito na may lamang slice ng strawberry cake. Meron din mga sugar cubes baka sakaling kulang sa tamis ang tsokolate na iinumin ko.

"Eto na po ang hinihingi nyo ma'am."

"Salamat."

Nilapag niya ang tray sa isang maliit na lamesa na nasa tabi ng upuan ko. Nilagyan ko ng tsokolate ang isang tea cup at humigop ng kaunti. Napangiti ako dahil tama lang ang timpla ng malapot na tsokolate. Sunod ko naman na tinikman ang Strawberry cake.

"Ma'am. Bakit po kayo pumayag sa hiling ng Mythologia Organization? Pwede naman po kayong tumanggi ahh?" Tanong sa akin ng butler ko. May punto siya pero...

"Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Siguro wala ako ngayon sa mundong ito kung di sila dumating sa buhay ko."

"Pero diba nangako ka po sa sarili mo na hindi ka na pupunta sa bansang ito?" Tanong niya ulit sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa tanong niya. Nangako nga ako sa sarili ko pero nagawa ko itong sirain dahil sa biglang tumawag ang Mythologia Organization at kinuha ako bilang isang Orb Holder. Hindi ko naman sila magawang tanggihan dahil sa sila ang dahilan ng pag unlad ko ngayon.

"Hanggat maari ayoko muna pag usapan ang tungkol sa bagay na iyan." Sinabi ko sa kanya. Biglang nawala ang mga ulap na humaharang sa araw. Dahil doon ay naging mas maliwanag pa ang sikat nito.

"Tulad pa rin ng dati." Sabi ko dahil sa nangyari.

"Ma'am wag po kayo diyan. Mainit po at baka ma heat stroke kayo,"

"Ok lang ako. Wag mo ako alalahanin. Sanay ako sa ganitong panahon."

"Ok ma'am."

"Wala akong magagawa. Ano nalang ang iisipin nila pag tinanggihan ko ang kanilang alok?" Sagot ko sa tanong niya kanina.

"Ganoon po ba ma'am? Alam mo po. Minsan naguguluhan na ako sa iyo."

Nilapag ko ang tasa na meron pang laman na tsokolate. Hindi ko masisisi kung ganong man ang isipin niya sa akin.

"Siguro hindi ka lang kasi nakakarelate sa kalagayan ko. Kung ikaw nakaranas ng lahat ng mga pinagdaanan ko sigurado ako na matutulad ka rin sa akin."

Nararamdaman ko siya na naglalakad papalapit sa akin.

"Siguro nga ma'am wala akong kaalam alam sa mga naging karanasan mo dito sa bansang ito pero diba hindi naman sapat na dahilan nyo para talikuran ang bansa at ang lahi na dumadaloy sa dugo mo?"

Naging maaliwalas na naman ang araw. Ang liwanag nito ay direktang tumama sa akin pero wala akong reklamo.

"Napaka aliwalas pa rin ng panahon dito."\

"Ma'am di po kayo aalis dito? Ang init na dito ahh?"

"Ok lang ako. Tulad nga ng sinabi ko kanina, sanay ako sa ganitong init."

"Dahil na rin siguro na pilipino ka ma'am. Lumaki ka sa bansa na tropikal ang klima."

"Ikaw? Wala ka ba nararamdaman na galit sa bansang pinag mulan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit naman po ako magagalit? Kahit anong gawin ko naman ay dumadaloy pa rin sa akin ang dugo ng isang pranses. At ako rin naman ang may kasalanan ng mga kasawian ko ehh. Walang kasalanan ang France."

"Sigurado ka ba?"

"Oo ma'am. Walang kasalanan ang bansa ko. Hindi naman France ang nagturo sa akin na magbulakbol at malulong sa bisyo. Kakaiba talaga kayong mga Pilipino."

"Sobrang magkaiba ang nakaraan natin at lumaki ka sa isang maunlad na bansa at mayamang pamilya. Di na ako magtataka."

"Ma'am. Bat ayaw nyo magbakasyon dito?"

"Hindi maari. Pag nanatili ako dito ay babalik lang sa alaala ko ang lahat. Lalo lang ako mahihirapan."

"Sige. Disisyon mo yan ehh."

"Papanoorin ko nalang mula sa ibang bansa ang unti unting pag bagsak ng pilipinas dahil na rin sa sarili nitong mga mamayan."

Ilang segundo lang ay biglang nag ring ang Cellphone niya. Kinausap niya ang nasa kabilang linya. Binababa na niya ito at tumingin siya sa akin.

"Ma'am. Nakarating na po ang mga bisita. Handa ka na ba?"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Ngumiti ako sa kanya."

"Oo naman. Pero kahit saglit lang ang pananatili natin dito ay sisiguraduhin ko namagiging masaya ang laban. I will enjoy the game."

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon