Chapter 32

24 4 0
                                    

Cynthia's POV

Hindi ko na pinansin ang paglabas ng batang assistant sa White Box dahil agad ko na kinuha ang folder at binuklat ito. At nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Ang White Folder ay may lamang sampung pahina. Apat dito ay may mga symbols na di ko maintindihan samantala ang natitirang anim ay mga blankong papel na sigurado ako na mga scratch papers. Una ko siniyasat ang first page ng Codec (Ayon na rin sa nakalagay sa pinakaitaas ng papel.) pero nakakaasar dahil puro puti at itim lang ang nakikita ko sa lahat ng papel.

At nahilo ako sa mga symbols na nasa unang pahina. Cryptic messege na kaylangang idecode ng husto:

33L%%%L I L%%3L%%%L%33L3%333 I 333L%%%L%3%333%3L%%%L I 33L%%%%33 I 3L33%3333%%%3%%33%L%%3%L33L I %3%L33L I %%%33%3L%%%3L%%%L3%L%%%%3L3%3.

'WHAT THE HECK!?'

Tiningnan ko si Ate Claire at nakita ko siya na binabasang maigi ang mga Codes ng First Codec. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero hula ko ay nahihirapan rin siya na basahin ito.

Wala akong masabi sa Mythologia Organization. Kahit ang matalinong katulad ni Ate Claire ay napasubok ng husto sa mga Codes na binigay nila. Pero hindi ito ang oras para humanga o panghinaan ng loob. Makakaisip din ako ng paraan kung paano babasagin ang mga codes na ito.

Kumuha ako ng Scratch paper at isa isa ko na isinulat ang mga symbols na meron sa Cryptic messege. Ang L, %, at  3. Isinulat ko ng horizontal order.

L-

%-

3-

Hindi ako pwedeng lumaktaw at lumipat sa ibang codec dahil mas lalo lang ako maguguluhan at tulad nga ng sinabi ng bata ay ang mga codes ang magdadala sa amin sa mga dapat naming gawin kaya di ako makakaalis sa simula hanggat di ko ito natatapos.

Napakatahimik ng paligid. Ang tanging tunog lang na naririnig ko ay ang pagkiskis ng papel, at ang pagtibok ng puso ko. Grabeng katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa. Nagsisimula na rin sumakit ang ulo ko dahil sa kakaisip ko ng mga kahulugan ng mga symbols.

Hanggang sa makarinig ako ng pamilyar na kaluskos na bumasag sa katahimikan. Kaluskos iyon ng kinakalmot na ulo at nagkikiskisan na mga buhok. Nagulat ako dahil isa lang ang pwedeng pagmulan ng tunog na iyon.

Si Ate Claire.

Nakatingin ako sa kanya habang seryosong binabasa ang mga codes. Tama nga ang hula ko. Kahit ang matalinong si Ate Claire ay hindi masagutan ang mga misteryosong Mythologia Codec. Napangiti ako dahil sa sigurado na may chance pa ako na manalo kung mag-iisip lang ako ng maigi.

Sigurado ako na tatagal ng ilang oras ang laban namin. Challenging ang mga Codec na ito.

Tumingin ulit ako kay Ate Claire. Pero nakita ko na nakatingin na siya sa akin. Nakangiti siya sa akin. Ngiti ng nahihirapan.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon