Steven's POV
Martes ng umaga. Kasalukuyang nasa kwarto ni Jannell ang tatlo (Ate Hera, Jannell, at Cynthia) dahil sa patuloy na nag-aaral si Cynthia para sa laban niya.
Dahil sa wala naman kaming magawa ni Bryan ay naisipan namin na manguha ng halaan (Clams) at mangahoy na rin sa kamandag. Hapon pa bago bumababa ang tubig sa dagat kaya tama ang disisyon namin na mangahoy muna.
May kalayuan ang kamandag kaya nagbaon kami ng pagkain at tubig dahil maghapon kami dito. Dala ko ang bag ko na gawa sa net na paglalagyan ng mga nakuhang halaan at kung sweswertihin ay baka makakuha pa kami ng Pisit (Sea Cucumber) at Sea Orchin na mabebenta namin sa mga lasenggo na gagawin naman nilang pulutan. Nakalagay naman sa back pack ko ang sako na paglalagyan ko ng mga nakuhang gatong at nakasabit naman sa baywang ko ang itak. Sa itsura namin ay para kaming mga Katipunero na Dora. Maaga kaming umalis dahil sa sobrang init na pag pumatak na ang tanghaling tapat.
Habang naglalakad kami sa mabatong daanan papuntang Kamandag ay nagkwentuhan kami ni Bryan upang di masayang ang oras namin. Nagsimula sa mga pangarap, Mythologia Organization, at future namin. At hindi ko inaasahan na mapupunta ang usapan kanila Cynthia at Jannell.
"Matanong ko lang Steve. May natitipuhan ka ba doon sa dalawa nating katropa?"
"Huh!?"
Nagulat talaga ako dahil sa biglaan ang tanong niya sa akin.
"Sabi ko kung may nagugustuhan ka ba kanila Jannell at Cynthia!"
"Sus! Wag mo nga akong tanungin ng ganyan! Alam mo namang di ko pa iniisip ang ganyang mga bagay."
"Ano!? Wag mo sabihin na sineryoso mo ang relasyon nyo ng malanding iyon? Diba sabi mo sa akin ay tinutulungan mo lang siya?"
"Hindi ko naman sineryoso si Kathryn ehh! Diba nga tagumpay ang plano niya!?"
Si Kathryn ay dati naming classmate at sikat hindi lang sa taglay niyang kagandahan kundi pati na rin sa dami ng bilang ng mga naging boyfriend niya. Isa na ako doon pero ang relasyon namin ay role playing lang para pagselosin ang kanyang Ex-Boyfriend (Latest) niya na si Jayson. Nagtagumapay ang plano niya at bilang kapalit ay nilibre niya ako ng pambayad para sa aming recollection.
"Oo nga noh? Balik tayo sa tanong ko. Seryoso may nagugustuhan ka ba sa kanila?"
"Ayoko pa magdisisyon sa bagay na yan kaya tigilan mo ako."
"Bakit kasi napaka bitter mo. Para kang uminom ng Ampalaya Plus."
"What!? Hindi ako bitter noh! Mas iniisip ko lang ang kinabukasan ko. Kung maaga akong makikipag relasyon ay walang mangyayari sa buhay naming dalawa. Kaya ikaw tularan mo ako hindi puro kalandian ang inaatupag mo. Wag kang magpaka Cassanova. Muka kang Cassava."
"Matalino si Steven! Tularan si Steven!" Pang aasar niya.
"Alam mo yung kanta ni Gloc-9 na tsinelas sa putikan?"
"Oo. Ano naman?"
"Gusto mo maranasan na maisampal sa iyo iyon?" Banta ko sa kanya habang hinuhubad ko ang kanang tsinelas ko.
"Hindi na po! Ikaw naman Tatang masyado kang seryoso sa buhay." Biro niya sa akin.
Pinulot ko na ang tsinelas ko at iniharap sa kanya.
"Gusto mo makipag-usap sa tsinelas ko? Pramis magkakasundo kayong dalawa." Banta ko ulit sa kanya.
"Ganito nalang Steve. Babaguhin natin ang tanong. Kung maunlad na tayo sa buhay o let's say na natapos natin ang mga pagsubok ng Mythologia. Sino kanila Jannell at Cynthia ang liligawan mo?" Tanong ulit sa akin ni Bryan pero sa pagkakataong ito ay nagkainteres ako sa tanong niya.
"Aba. Parang pang Miss Universe ang tanong mo. Hmm... wait lang-"
Si Cynthia Villacarlos. Cute siya dahil sa maliit siyang babae. May maamong muka at may magandang pangangatawan. Nakakadagdag pa sa kanyang ganda points ang kanyang talino, magandang ugali, at siyempre ang kanyang pagiging simple. Kaso ang problema ay masyado siyang malalim mag salita at ang katotohanan na hanggang balikat ko lang siya. Sa tanda ko ay 5'6 ata ang height ko.
Si Jannell Demetreo. Petite ang katawan dahil sa walang gaanong tulog. Pero malakas ang charisma niya. May magandang tindig, nakaka-akit na muka, at may mahaba at tuwid na buhok na kay sarap suklayin ng mga daliri. Masayahing tao pero madaling mairita. Isa rin siyang matapang babae at di gaanong marunong mag ayos ng sarili pero pag natutunan niyang alagaan ang kanyang sarili ay sigurado na lalabas ang kanyang tagong kagandahan.
'Teka! Bat ba ako nag-iisip ng ganito!? Wala pa akong pakealam sa ganitong mga bagay! Nakakabadtrip naman si Bryan oh!'
"Oh sino na ang napili mo?" Tanong ulit ni Bryan.
"Si Jannell."
Nagulat siya ng sabihin ko na si Jannell. Pero ang totoo ay labas sa ilong ang sagot at labag sa loob ko. Sinagot ko siya para lang matapos na ang pangungulit niya.
Pero biglang tumibok ng malakas ang puso ko ng sabihin ko ang pangalan niya.
"Bakit naman si Jannell?"
"Basta sa akin na yon! Ikaw ba? Sino ang natitipuhan mo?"
"Ahmmm... Alam mo ba ang kagila-gilalas na kwento ng grupong Spokwak? Astig yun pare!"
"Ang daya mo! Binabago mo ang usapan! Sagutin mo ang tanong ko!"
"Hahahah! Tara na nga! Mangahoy nalang tayo!" Pangisi ngisi niyang utos sa akin.
"Ang daya mo!"
Hindi ko maintindihan ang nangyari kanina. Siguro normal lang yun. Dulot lang siguro ng pagod.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...