Steven's POV
"Anong nangyayari sa kanila!? Bakit ganyan ang mga kinikilos nilang dalawa!? Sagutin mo ako Citruss!"
"Citruss! Ipaliwanag mo ang nangyayari!"
Nabalot ng takot, pagkalito, at pag-aalala ang buong kwarto dahil sa biglaang nangyayari. Hindi namin maintindihan ang lahat ng mga kinikilos ng dalawa.
Si Cynthia ay nakaupo sa isa sa mga sulok ng White Box. Nakatakip ang kanyanga mga kamay sa kanyang mga teynga at malakas na umiiyak
Samantala si Ate Claire naman ay nakaupo sa kanyang silya pero nakayoko lang siya at sinasabunutan ang kanyang sarili. Hindi ko man nakikita ang kanyang expression pero dahil na rin sa mga ginagawa niya ay sigurado na naguguluhan siya sa nangyayari.
"Ano ba Citruss! Magpaliwanag ka!" Sigaw ni Bryan. Dahil doon ay kinabahan na ako dahil baka di na mapigil ni Bryan ang sarili niya.
"Bro. Mag hulos dili ka. Bata lang siya!" Saway ko sa kanya habang pinipigilan siyang lumapit kay Citruss. Masasaktan si Citruss kung makakalapit siya.
Sa kabutihang palad ay naintindihan ni Bryan ang ibig ko sabihin at kumalma na siya. Umupo siya sa isang sulok at yumuko.
"Citruss. Magpaliwanag ka please! Bakit nagkakaganyan sila!" tanong ni Jannell.
"Wag mo sabihin na iyan na-"
"Oo Steven. Yan na ang bagay na magpapahirap sa kanila.
Tumingin siya sa amin isa-isa sabay hinga ng malalim.
"White Torture."
Nangilabot ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya.
"T-teka? N-nagbibiro ka lang diba?" Utal na tanong ni Jannell.
"Hindi ako nagbibiro Jannell. Ang White Torture ay isang uri ng pagpapahirap. Hindi tulad ng ibang torture na kung saan sinasaktan ang biktima. Ang White Torture ay nagbibigay ng Emotional at Mental Pain. Sinisira nito ang mental state ng isang tao sa pamamagitan ng pagkulong dito sa isang puting kwarto. Ilang lang sa mga epekto ng White Torture ay Isolation, Emotional Stress, Mental breakdown, at Hallucination. Ang mga nakikita nyo ngayon kanila Cynthia at Claire ay mahinang epekto pa lamang."
"Hindi pwedeng mangyari ito!" Sigaw ni Sir Esteban sabay tayo at nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng Monitoring room. Pero pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang matitipunong tao. At pinigilan siya na makalabas.
"Anong ibig sabihin nito!?" Galit na tanong ni Sir Esteban.
"Pasensya na pero hindi kayo pwedeng mangealam."
"Pero nasasaktan sila! Ayoko na magpatuloy pa ito Citruss! Ok lang kahit matalo si Ma'am Claire basta wag-"
"PAG SINABI KO NA HINDI PWEDE! HINDI PWEDE!"
Naputol ang sasabihin ni Sir Esteban dahil sa biglang pagtaas ng boses ni Citruss. Wala kaming magawa dahil may Authority si Citruss. Kung mangangahas kami ng mangealam ay kami lang ang matatalo.
Bumalik si Esteban sa upuan niya. Pinipilit na pakalmahan ang sarili pero naririnig ko pa rin ang pagkikiskisan ng kanyang mga ngipin.
"Ate Hera! May alam ka ba tungkol dito!" Tanong ni Jannell pero hindi makasagot si Ate Hera. Nakayuko lang siya.
"Hindi pwede na malaman nyo ang tungkol dito. Sigurado na aangal kayo kung sa simula pa lang ay malaman nyo na agad ang plano ng Organisasyon."
"Bakit kasi kaylangan nyo pa gawin ito!?" galit na tanong ni Jannell.
"Eto ang disisyon ng nakatataas. Sinusunod lang namin ang kanilang mga utos. Pasensya na pero ang tanging magagawa nyo lang ay manood."
Hindi na sumagot si Jannell. Umupo nalang siya.
"Sabihin mo Citruss. Para saan lahat ng ito?" Mahinahon ko na tanong pero sa loob ko ay galit ang nangingibabaw sa akin.
"Maunawaan nyo sana pero dito talaga masusukat ang kakayahan ng kanilang utak. Ang mga palaisipan ay maliit na parte lamang sa buong laban na ito."
"Pero naisip nyo ba ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa!?" Di ko na napigilan na taasan ang boses ko.
"Oo. Alam namin ito. Posible na tuluyan silang mawala sa katinuan."
"Yun naman pala eh! Bakit tinu-" Naputol ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsasalita ni Citruss.
"Pero kilala ko ang Mythologia. Nakarinig na ako ng kwento mula sa mga orb holders na mas malala pa dito pero nagawa nila malampasan lahat. Hindi nagbibigay ang Mythologia ng mga karagdagang pagsubok sa isang tao kung hindi nila kaya. Hindi nila ibibigay kanila Cynthia at Claire ito kung hindi nila ito kayang lagpasan."
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Napapaisip ako kung dapat ba ako maniwala.
"Sa ngayon panoorin nalang natin sila. Kung may mangyari man na masama ay handa namin panagutan lahat lahat."
Tiningnan ko ang iba ko pa na mga kasama. Si Sir Esteban ay nanonood ng laban pero nanggagalaiti pa rin siya sa mga nasasaksihan niya. Si Bryan ay hindi mapakali sa kinauupuan niya. Si Jannell naman ay nanood din ng laban pero bakas sa muka niya ang pag-aalala. Si Ate Hera naman ay nakaupo sa isang silya sa malayo. Nakayuko siya at nakatakip ang dalawang palad niya sa kanyang muka.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AbenteuerSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...