Chapter 11

50 9 0
                                    

Steven's POV

Dalawang araw na rin ang lumipas nang pumunta kami sa Branch ng Mythologia Organization. Pero wala pa rin nagpapakita ng kahit isang Orb Holder at nababagot na rin ako kahihintay sa grand entrance nila at pati na rin sa text messege ni Ate Hera. Puro Group messeges na pang kiligan lang ang natatanggap ko buhat sa mga dati kong mga kaibigan at kaklase.

Sa sobrang bored ko ay naisipan ko nalang munang lumabas at mag gala. Ayoko matulad kay Jannell na minsan nalang kung masikatan ng araw at baka biglang mabago ang ayos ng Ternate at maligaw ako. Dinala ko na rin ang Cellphone ko. Baka sakaling tumawag si Ate Hera.

Sa paggagala ko ay napansin ko ang computer shop kung saan nagkakating minsan si Jannell makapag laro lang ng Dota 2 na sinasabi nila. Sa sobrang pag iisip at bored ay di ko namalayan na nasa loob na pala ako ng Computer shop na may pangalang "Xytheir Computer shop".  Isang piso net na computer shop.

Kwento ni Jannell sa amin ay nasa tagong lugar ang shop. Nasa dulo ito ng isang mahabang bahay at kaylangan mo dumaan sa parang eskinita, ang bungad ay sari sari store at mga playstation na pinangangasiwaan nd mag-asawang matanda. Ang gitnang bahay naman ay ang tahanan ng may ari. At ang dulo ay ang mismong computer shop na sobrang dilim at mainit dahil mas mababa ito sa katabi nitong tulay. Sampu ang computers at madalas maingay dahil sa ang katabi nito ay gawaan ng mga videooke at imbakan na rin. Minsan din ay may pumapasok na masamang amoy dahil malapit lang ito sa maruming ilog na pinagtatapunan ng mga latak ng isda tuwing gabi, at naranasan ko ang amoy na iyon pagpasok pa lang.

Sa loob ay iba't iba ang mga tao. Merong lalake na nasa pinakadulong computer at pagsilip ko ay nanonood pala ng porn, meron naman na sobrang galit at kinakalampag ang keyboard, at merong mga tambay, nanonood ng mga laro at nagbibigay ng kanilang sariling komento. Puno ang shop pero napansi  ko na isang ceiling fan lang ang nakasindi at muka namang ayos pa yung isa na naka-off. Di sapat ang hangin kaya tagaktak ang pawis ng ilan.

'Paano kaya natitiis ni Jannell dito?'

"Yow! Steven napadalaw ka."

Isang pamilyar na boses ang tumatawag sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil si Franko ang tumatawag sa akin. Nakaupo siya sa likod ng isang manlalaro. Siguro pinapanood niya ito.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Siya ang close friend ni Jannell dito pero di namin siya masyadong close dahil sa minsal lang kami kung magkita.

"Kumusta na?" tanong niya sa akin.

"Eto tambay pa rin."

"Bakit napadalaw ka dito? Alam ko wala kang hilig sa mga Online Games?"

"Wala kasi akong magawa. Kaya naghahanap ako ng pampalipas oras."

"Ganon pala. Maglalaro ka ba?"

"Hindi. Wala akong pera. Libre mo ako hehehe."

"Ta!! Mas mahirap pa ako sa daga!"

"Hahahaha!"

"Haha! Nasaan na nga pala si Jan?"

Ang tinutukoy niya ay si Jannell. Si Franko ay isang dakilang tambay sa shop na ito at naging kaibigan siya ni Jannell dahil may pagkakahawig sila sa ugali.

"Ewan ko lang doon. Alam mo namang minsan lang lumabas ng bahay yun ehh. Parang bampira."

"Sabagay. Iba na talaga pag may sariling computer."

"Oo nga. Pero sure ako na dadalaw yun dito minsan."

"Sana nga. Gusto ko na siya makalaban ulit. Pero mukang wala akong pag asa dahil mas praktisado siya. Araw araw naglalaro ehh.

Lolokohin ko sana siya kaso biglang nag ring ang Cellphone ko. May messege galing sa Unknown number at di na ako nagisip kung kanino dahil alam ko na agad.

'Pumunta kayo sa Barangay Hall. Nahanap ko na ang unang Holder. Bilisan nyo at naghihintay siya.'

-Unknown Number

Nilagay ko ulit ang cellphone sa bulsa. Kaylangan ko nang magpaalam kay Franko dahil may kaylangan akong puntahan.

"Frank. Kaylangan ko na umalis. May pupuntahan kasi ako ehh."

"Kanino? Doon sa nag text sa iyo? Ikaw ahh may girlfriend ka na." pang aasar niya na may halong nakakalokong ngiti.

"Wew. Di pa ako pwede sa mga ganyang bagay. Hindi ako yayaman pag Taken ako."

"Haha! Oo nga noh? Sige basta ikumusta mo nalang ako kay Jannell. Sabihin mo namimiss ko na siya.

"Sige. Makakarating iyan. Paalam."

"Geh ingat."

At lumabas na ako sa Computer Shop. Ilang minutong paglalakad pa ay narating ko na ang Barangay Hall. At nakita ko rin sila Ate Hera na nakatingin sa akin. Nanlilisik ang kanilang mga mata.

Napansin ko na iba na ang suot ni Ate Hera. Dati ay nakapasuot siya ng pang opisina. Ngayon ay mas cute pa siya dahil sa suot niya na yellow dress.

"Aba Ate Hera! Ang cute mo sa suot mo. Ang ganda!" papuri ko. Baka sakali na makalusot ako pero di niya ako pinansin at pinasakay na kaming apat sa Van.

Tulad ng dati ang pwesto namin. Katulad lang noong pumunta kami sa Mythologia Organization. Lumingon sa akin si Ate Hera pero napansin ko na nakangiti siya.

"Salamat nga pala sa papuri Steven. Ngayon lang ako nagsuot ng ganito kaya masaya ako dahil sa sinabi mo."

"Ay wala po iyon. Totoo naman kasi ehh. Hehe."

"Teka Ate Hera. Saan ba natin matatagpuan ang unang Orb Holder?" Tanong ni Cynthia na katabi pa rin ang natutulog na si Jannell.

"Ang unang Orb Holder na kakalabanin niyo ay nakatira sa Opir."

Nagulat kaming apat dahil sa Opir kami pupunta. Mukang bigatin ang kakalabanin namin.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon