Chapter 28

27 3 0
                                    

Hera's POV

"Bakit kayo nakapalibot sa akin? May problema ba? At bakit kayo nakatingin ng ganyan?" Tanong ko sa apat dahil lahat sila ay nakaikot sa akin na para ba may gustong gawin.

"Steve. Kunin mo yung binabasa niya. Ilapag mo doon sa lamesa."

At bigla nalang hinablot ni Steven ang binabasa ko na libro. Dahil doon ay nainis ako.

"Hoy! Ano ba!? Nagbabasa ako dito tap-"

Naputol ang sasabihin ko dahil bigla nalang nila akong binuhat at naglakad sila papuntang dagat.

"Kyaa!!! Bitawan nyo ako! Ano ang binabalak nyo!? Kyaa!"

Hindi ko na mapigil ang sarili ko na tumili. Ilang beses ko na silang binantaan pero bale wala pa rin. Kinabahan ako dahil alam ko na kung ano ang gusto nilang gawin.

'Hindi maari! Mababasa ang summer dress ko!'

Nakarating na sila sa mababaw na parte ng dagat.

"Game guys! Magbibilang ako. One, Two..."

"Kyaa!! Wag nyo itulay yan!"

"THREE!"

At inihagis na nila ako sa tubig. Paupo ako na nahulog sa tubig. Mabuti nalang at medyo malalim ang pinaghagisan nila sa akin dahil kung hindi ay sigurado na sasakit ang beywang ko. Tawanan lang sila ng tawanan habang nakatingin sa akin. Bagsak ang buhok ko pati na rin ang summer dress ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit, matuwa, o umiyak.

"Bakit nyo ginawa to?" Tanong ko sa kanila.

"Lugi kami Ate Hera. Dapat naliligo ka rin kasama namin para naman masaya. Diba nga sabi mo mag-enjoy?" Sagot ni Cynthia sa akin.

Tama nga siya. Nagpunta nga kami dito sa kamandag *ngisi* para mag enjoy. Tumawa nalang ako ng tumawa dahil sa nangyari.

"Haha! Yan pala ang gusto nyo ah!? Eto sa iyo!"

Niwasikan ko sila ng tubig. Gumanti sila at niwasikan nila akong apat dahilan upang mas lalo pa akong mabasa.

"Ang daya! Haha! Apat kayo, mag-isa lang ako! Mahina ang kalaban!" Reklamo ko.

Para kaming mga bata sa ginagawa namin. Tinabunan pa namin ng buhangin ang katawan ni Bryan at nakakatawa si Steven dahil nilagyan niya ng dibdib si Bryan. Kami naman ay nilagyan siya ng buntot ng sirena. Di pa nakuntento si Cynthia dahil kumuha siya ng sea weeds at nilagay sa ulunan ni Bryan.

"Hoy!!! Pakawalan nyo ako dito! Ang sama ng ginawa niyo sa akin!" Reklamo ni Bryan.

"Astig mo nga Bryan eh! Para kang Sea Empress. Hahaha!!" Sagot ni Steven.

"Oo nga! Ang cute mo Bryan. Kakatacute! Haha!" Pang-aasar ni Cynthia.

"Empressin nyo muka nyo! Pakawalan nyo ako dito! Grawlll!!"

"Guys tara mag meryenda na muna tayo." Anyaya ko sa kanila sabay kindat. Napangiti sila dahil mukang nakuha nila ang gusto ko mangyari.

'Loko ka Bryan ahh? Ikaw pala ang pasimuno ng kanina ahh? Wuhahaha!'

"Oo nga! Gutom na ako." Pagsakay ni Jannell sa trip ko.

"Mukang masarap ang pagkain natin ahh?" Sumunod naman si Cynthia sa trip ko.

"Hoy walang ganyanan! Pakawalan nyo ako dito! Nasaan ang hustisya!? Grawrr!!"

"Wag ka mag-alala Bryan. Susubuan ka nalang namin haha!" Pang-aasar ni Steven.

At naglakad na kami palayo. Pero nakawala si Bryan sa buhanging nakadagan sa kanya.

"Magbabayad kayo sa ginawa nyo sa akin! Grawwr!"

At tumakbo siya papunta sa amin. Nakangiti siya ibig sabihin ok lang sa kanya ang lahat ng pinaggagawa namin sa kanya. Tawanan kami ng tawanan habang tinatakbuhan namin si Bryan. Ang saya namin dahil para kaming mga bata.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon