Steven's POV
"Wow! Ang ganda." Hindi maikumpara ang paghanga na bumalot kay Jannell dahil sa tanawin na nakita niya.
Kahit ako ay hindi makapaniwala. Ilang beses na akong nakapunta sa lugar na ito pero iba pa rin pag pumunta ka dito bilang isang turista. Mas dama ko na ngayon ang tinatago nitong ganda. Ang maaliwalas na karagatan at ang malapantasyang kagubatan.
"Matapos ng mahaba at paliko likong lakaran. Sa wakas nakapunta na tayon dito! Worth it! Ang ganda!"
"Oo nga Cynthia. Iba pa rin pag turista ka na pupunta dito. Teka may daanan naman pala dito ehh... bakit di nalang natin pinasok ang van dito?" Napangiti ako dahil sa tanong ni Jannell.
"Haha! Mas masaya Jannell kung may challange. Mas may thrill pag merong adventure." Paliwanang ni Ate Hera. Napakamot lang ng ulo si Jannell.
"At nag enjoy ka naman sa hiking natin diba. At ok na rin sa iyo yun para lumakas ang katawan mo." Pang aasar ni Bryan na sinundan niya ng nakakalokong ngiti.
"Gusto mo masaktan?" Pagbabanta ni Jannell.
Dahil sa sinabi nila ay naalala ko ang nangyari kay Jannell.
Ang dinaanan namin ay ang matarik na shortcut papuntang pangpang. Sobrang tarik na mabubuhay talaga ang dugo ng kung sinong susubok bumaba dito. Dito ay muntikan ng madulas si Jannell at gugulong sana siya pababa kung di ko lang siya nahawakan. Nakakapit ang isang kamay ko sa matabang baging at ang isang braso ko naman ay nakayakap sa baywang niya. Napangiti ako dahil sigurado ako na inis na inis talaga si Jannell.
Pero ng iligtas ko siya at ng mahawakan ko ang kanyang baywang ay biglang may kuryente na dumaloy sa katawan ko.
"Sorry na. Alam ko naman na hindi basta basta ang nangyari sa iyo ehh." Paghingi ng despensa ni Bryan.
"Alam mo naman pala eh! Ok na... Basta wag ka na uulit kung hindi malilintikan ka sa akin." Ngumiti siya.
At dahil doon ay naramdaman ko na naman ang strange feeling habang nakatingin sa kanya. Biglang umilis ang tibok ng puso ko. Pisting feelings!
"Teka Steven? Bakit nagblu-blush ka?" Napansin ako ni Cynthia at dahil doon ay bumalik ako sa kamalayan.
"Huh1? Anong blush? Hindi ahh!" Pagtanggi ko sabay yuko.
"Aba! Iba na yan Steve. Tingnan mo si Jannell nag blush din!"
Dahil sa sinabi ni Bryan ay tiningnan ko si Jannell. Dahil sa maputi si Jannell ay kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Napansin niya na nakatingin ako sa kanya kaya yumuko siya. Nahihiya. Dahil sa reaksyon niya ay bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sus! Tama na nga yang blush blush na iyan! Nag text na si Mang Berto sa akin. Nakaparada na raw ang van at nadala na niya ang ibang gamit pati na yung mga tent."
"Teka Ate Hera!? Magdamag tayo?" Gulat na tanong ni Cynthia.
"Yup!"
"Ehhh paano yung laban ko bukas?"
"Wag ka mag-alala Cynthia. Tumawag si Esteban. Sinabi niya na nilipat ni Claire ang laban sa lunes dahil sa marami siyang aasikasuhin bukas. Ano ayos na ba sa iyo?"
Biglang gumuhit ang ngiti sa labi ni Cynthia. Malamang tuwang tuwa ang loka.
"Oo naman! Bakit di mo agad sa akin Ate Hera!"
"Sorry naman hehe. Basta ang gawin lang natin ngayon ay mag enjoy! Pero bago tayo mag-enjoy ay tulungan nyo muna ako sa pag-aayos ng tent."
"Sige!" Sigaw naming lahat.
Inayos namin ang mga tent na dinala ni Mang Berto. Kahit si mang berto ay tumulong sa pag-aayos namin. At nabot lang ng ilang minuto ang paglalatag ng mga tent dahil sa tumulong ang lahat kaya nagsimula na magluto si Ate Hera.
"Ate Hera tulungan ko na po kayo." Alok ko dahil may alam naman ako sa pagluluto pero-
"Ok na ako Steven. Mag-enjoy na kayo. Susunod nalang ako."
"Ok po."
Sumonod na ako kay Bryan sa pagtatampisaw sa kulay asul na tubig. Sila Cynthia at Jannell naman ay nasa lilim ng isang malaking puno at nag-uusap. Nakatingin sila sa amin."
"Hoy Steven! Pumunta ka dito dali!" Sigaw sa akin ni Bryan.
"Sige!"
Naghubad na ako ng t-shirt at tsinelas at bumuwelo ng malakas at nag dive sa malamig na tubig.
"Ano Steve?" Pabilisan tayo lumangoy?"
"Tara! Walang iyakan ahh?"
"Haha! Di ka mananalo sa akin hahaha!!"
"Malalaman natin ngayon yan!"
"Sinabi mo ehh. Magbibilang na ako. 1... 2..."
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AventuraSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...