Cynthia's POV
'Bakit kaya may tuldok dito?'
Ang atensyon ko ay nasa tuldok na kasama sa set ng mga letters ng second codec. Napapaisip ako kung ano ba talaga ang posibleng ganap nito sa mga letters na hindi ko maintindihan.
Nakita ko na nakawala na si Ate Claire sa mga ilusyon niya. Masaya ako para sa kanya pero hindi ako pwedeng magpatalo. Gusto ko ng patas na laban at ibibigay ko ang lahat ng kaya ko na sa tingin ko ay makakatapat kay Ate Claire.
Bumalik ako sa pagiisip ng posibleng maging ganap ng mga letters ang ng tuldok na kanina pa pumupukaw sa atensyon ko.
.J W T P G A M D J P
D A . G P T W M J T
. J D A M T G
W M D B J T P G .
M A H T
-Una sa lahat. Imposible na maging text twist eto dahil sa walang paraan upang gawing mga single word ang bawat set ng mga letters. At isang vowel lang ang ginamit.
-Sa pagkakaayos ng mga ito. Parang ganito na ang itsura ng mga ito hanggang sa dulo.
-Nararamdaman ko na ang tuldok na kanina ko pa napapansin ay may malaking ganap sa akin. Posible na ito ang magligtas sa akin.
'Teka!? Tuldok!?'
Agad akong kumuha ng scratch paper at nagsulat ng posibleng maging gamit ng mga letters na ito. At napangiti ako dahil sa tama ang aking mga hinala tungkol sa mga helera ng mga letters.
Nag drawing ako ng keypad ng isang non-qwerty na cellphone na katulad ng sa akin. At mula doon ay unti unting lumitaw ang mga hints na kanina ko pa hinahanap.
Ang bawat letter ay mga first letter ng bawat keypad sa cellphone. Maliban sa tuldok dahil sa eto ay first symbol ng keypad number 1. Sinisimbulo ng letter A ang keypad number 2 dahil sa eto lamang ang tanging vowel na nangunguna sa keypad sa lahat ng letters ng alphabet. Kaya ang D, G, J, M. P, T, at W ay 3, 4, 5, 6, 7, 8, at 9 dahil sa ang mga letters na ito ay mga nangunguna sa bawat keypad.
At kahit hindi nakikita ay merong space sa bawat dulo ng mga letters set pero hindi Zero ang kahulugan nito dahil sa eto ang nagsisilbing tagapaghiwalay sa bawat code.
Kaso kasunod ng pagkatuklas ay umusbong naman ang isang tanong.
'Para saan kaya ang mga numbers na ito?'
Posible na ang mga numbers na ito ay password sa isang bagay at ang bagay na iyon ay kaylangang hanapin o matatagpuan sa mga susunod na codec.
Kaya pumunta na ako sa susunod na codec. Ang Codec Three.
Ang laman ng Third Codec ay isang picture at sa lahat ng mga codes na nasagutan ko ay eto na siguro ang pinakamadali.
Ang laman ng Third Codec ay picuture ng isang galaxy at may patayo at pahigang liya na nag krus ng daan sa gitna ng galaxy.
Sa ibaba ng litrato ay merong palaisipan na nagdedetalye sa isang bagay at ng mga dapat gawin:
'The Fourth feather tainted with black water. Drop it on the the fourth quarter of the milky way.'
Dahil sa palaisipan ay nalaman ko na ang mga dapat ko gawin para sa susunod na Codec. Kaya agad na akong pumunta sa fourth codec at napangiti ako ng makita ko ang isang papel na may nakasulat na fourth codec sa itaas pero isa lang itong blangko na papel kung iisipin.
*****
Steven's POV
"Ibang klase ang laban na ito. Wala na akong maipipintas pa." Opinyon ni Citruss.
"Kaya nga eh. Tama pala ang sinabi mo na walang kayong binibigay na pagsubok na hindi kayang lagpasan ng isang tao."
"Oo Steven. Pero hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa ni Claire. Imposible na coincidence lang ang pagpigil niya sa laban kanina."
"Wala akong masasabi tungkol sa bagay na iyan Citruss. Isa lang ang masasbi ko. Puno ng misteryo si Ate Claire."
Hindi ko alam kung pareho kami ng iniisip ni Sir Esteban. Sa maikling panahon na naipakita ni Ate Claire ang pagiging misteryosa niya ay nakita na namin ang ilang sikreto niya na sigurado na magiging dahilan upang pag-igihan pa ni Sir Esteban na kilalanin siya ng lubusan.
Sa ngayon ay stable na ang Mental state nila Cynthia at Ate Claire na siya namang kinatuwa namin. Nawala na ang pag-aalala namin na kanina pa nangugulo sa aming lahat.
Seryoso pa rin ang lahat. Seryoso sila Cynthia at Ate Claire sa pagsagot habang kami naman ay seryoso sa panonood ng laban nilang dalawa. Mas lalo pa ito naging exciting dahil sa nakaabot na si Cynthia sa codec four.
Si Ate Claire naman ay patuloy pa rin sa paghabol kay Cynthia. Mabilis ang pagsasagot niya sa.
Tumaas ang paghanga ko sa kanilang dalawa dahil sa taglay nilang katalinuhan. Pero hindi ko masasabi ko magagawa ba nilang malagpasan ang misteryosong Codec Four
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...