Steven's POV
"Waaa!! Seryoso kayo!? Naniniwala kayo sa mga sinabi ni tanda?" Tanong ni Bryan sa aming tatlo habang nakain ng mangga. Kasalukuyan kaming nakatambay sa kubo nila Bryan na matatagpuan sa likod ng bahay nila.
Kahapon ay pumunta kami sa Mythologia Organization-Cavite Branch. At doon ay sinabi ang mga dapat namin gawin upang mabago ang kinabukasan naming lahat.
"Bakit naman hindi natin susubukan? Actually wala namang mawawala sa atin kung papatulan natin ang alok nila." Sagot ni Cynthia sa tanong ni Bryan. Sa totoo lang. May kaunting punto siya.
"At ayaw mo nun? May pagkakaabalahan tayo ngayong bakasyon? At kung magagawa nating tapusin ang hamon sa loob lamang ng dalawang buwan ay makakapag enroll pa tayo sa kahit saang koleheyo nating gusto. Sure ako na pera ang ibibigay nila." Opinyon naman ni Jannell.
"At ang gagawin lang natin ay siguraduhin na gagawin natin ang lahat upang matalo ang mga Orb Holder." Dugtong ko.
Kumagat si Bryan sa mangga na kanina pa niya hawak. Matapos manguya at malunok ang kinagat niya ay tinapon niya ang mangga sa malayong lugar.
"Bakit mo naman tinapon?" Pagtataka ko sa kanya.
"Sobrang asim ng manggang iyon. Makinis pa ang buto."
"Kaya pala. Bata pa yung mangga."
"Anyway. Hindi ako kumbinsido hanggat di ko nakikita ang mga Orb Holders at ang mga Jolen na hawak nila. Hindi ko nga alam kung may kapangyarihan yun o wala." Pagdedeklara ni Bryan. Natawa ako dahil sa sinabi niya.
"Anong nakain mo at naisip mo na may powers ang mga Orb?" Prangkang tanong ni Jannell kay Bryan.
"Eh ang astig kasi ng mga pangalan natin ehh! Orb Seekers tayo at Orb Holders naman sila. Para tayong nasa Fantasy movie o Anime!" Paliwanag ni Bryan.
"Sa tingin ko walang powers ang mga Orb. Patunay lang iyon na natalo nga natin ang mga Orb Holder kaya nasa atin iyon." Paliwanang ni Cynthia. Sumang ayon kaming lahat sa sinabi ng matalino naming kaibigan.
"By the way Steve. Bakit kami ang naisip mo na gawing kakampi? Di ka pa naman sigurado kung ano ang mga pagsubok na ibibigay ng mga Orb Holders ahh?" Tanong ni Cynthia sa akin.
"Sigurado na ako kung ano ang pagsubok nila."
"Paano mo naman nasabi Steve?"
"Ganito kasi-"
At pinaliwanag ko sa kanila ang mga pinapahanap sa akin. Sinabi ko rin na nakuha nila ang katangiang hinihingi kaya sila agad ang pinuntahan ko. Nagulat sila ng malaman nila na tugma sa kanila ang mga katangian.
"Kaya pala kami agad ang nilapitan mo. Ang nakakalito lang ay para bang alam na nila kung sino ka at kung sino ang mga kaibigan mo? Di mo ba naisip yun?" Tanong ulit sa akin ni Cynthia.
"Pakiramdam ko nga may nagmamasid sa bawat galaw ko noong mga nakaraang araw. Baka siguro mga agent nila iyon."
"Tama. Agent nga nila iyon. Pero buti nalang at may mabuting dahilan ang pagsisiyasat nila."
"Excited na ako! Ano kaya ang mga pagsubok na haharapin nating apat!?" Patili na sambit ni Jannell. Kumikislap ang kanyang mga mata.
"Hindi ko alam. Malalaman natin pag nakaharap na natin ang mga Orb Holder. Sa ngayon hanggat wala pang nagpapakita na mga Orb Holder ay dapat palakasin natin ang ating mastery."
"Tama ka jan Steve. Pero paano natin malalaman na dumating na sila?" Tanong ni Bryan.
"Wag ka mag alala. Binigay ko na kay Ate Hera ang mga Cellphone number natin. Tatawagan niya tayo pag nakita na niya ang mga Orb Holders."
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AbenteuerSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...